Chapter 29: Scream

245 37 8
                                    

Ethan

Nangangatal ang buo kong katawan habang sapo-sapo ko ang aking mukha. Nakaupo ako sa sofa at naghihintay kung may balita na ba ang mga pulis sa taxi na kumuha kay Ate Bel. Pati sila Nina at Reyden ay hindi mapakali sa kanilang kinauupuan.

Ayokong isipin na may nangyaring masama sa kanya. Naniniwala pa rin akong nasa maayos siyang kalagayan at kaya niyang gumawa ng paraan para makatakas o makahingi man lang ng tulong.

Nagdadasal ako nang biglang tumunog ang aking telepono na nakalapag sa aking tabi. Napamulagat ako nang makita ang pangalan ni Ate Bel sa screen.

"Si Ate Bel!" Pasigaw kong balita sabay sagot ng telepono.

"Ethan! Si Nikko! Si Ni... Ahhh!" Takot na takot niyang sabi sabay sigaw.

Gulat at hintakot akong napatigil nang hindi na nagsalita si Ate Bel. Malalakas na desperadong tili ang aking narinig bago tuluyang namatay ang tawag. Biglang namawis ang buo kong katawan; halos hindi ako makahinga sa sobrang kaba at pag-aalala.

Si Nikko! Gago talaga! Hindi ko akalaing magagawa niya ang bagay na ito nang dahil sa selos!

"What? Anong sabi ni Ate Bel!" Hintakot at nagpapanic na tanong ni Nina.

"Si Nikko! Siya ang kumuha kay Ate Bel!" Mabilis kong sagot.

Agad kong kinuha ang susi ng kotse ni Reyden sa center table. Hindi ko na kinailangan na sabihin sa kanila na magmadali dahil nauna pa si Nina at Reyden na lumabas ng bahay.

Halos lumipad sa bilis ang kotse dahil sa sobra kong pag-aalala. Walang gaanong mga tao at sasakyan sa daan dahil maghahatinggabi na. Pagkatigil na pagkatigil ng kotse ay agad akong bumaba at itinulak ang gate. Lumangitngit ito at gumawa ng ingay pero wala akong pakialam.

Tuloy-tuloy akong pumasok at malakas na itinulak ang pinto. Bukas ang ilaw! Nanlaki ang aking mga mata nang makita ang sariwang dugo sa sahig. Nanggaling ang dugo sa maliit na kusina kung saan nakita ko ang cellphone ni Ate Bel na nakakalat sa sahig.

Ate Bel! Nasaan siya? Anong nangyari sa kanya?

Sinundan ko ang marka ng dugo. Sa itsura nito ay parang may kinaladkad na taong duguan sa loob ng bahay. Naputol ang marka sa pintuan na nasa bandang dulo ng bahay. Mukang isang kwarto o bodega ang nasa likuran ng pintuan. Luminga-linga ako sa paligid bago ko hinawakan ang lumang pihitan ng pinto.

Huminga ako nang malalim. Nilingon ko si Nina at Reyden na malapit sa aking kinaroroonan. Hindi na ako nag-alinlangan; buo ang loob kong binuksan ang pintuan.

Halos mapatalon ako sa gulat! Napasigaw si Nina!

Bumagsak paharap sa akin ang walang malay na katawan ng isang lalaki. Duguan ang suot nitong damit at lumalabas pa sa nakaawang nitong bibig ang sariwang dugo.

Fuck! Agad akong umiwas bago tuluyang dumagan sa akin ang katawan. Kahit nakaiwas ako ay nabahiran pa rin ng dugo ang aking damit. Lumagapak sa sahig ang lalaki.

Nagkatinginan kaming tatlo. Halos masuka-suka si Nina na tumalikod na lamang. Si Reyden ang naglakas loob na hipuin ang leeg ng lalaki at sipatin ang pulso nito.

"He's dead!" Hindi maipinta ang itsura ng kanyang mukha.

Napalunok ako para pigilan ang pag-ikot ng aking tiyan. Nakakadiri! Sino ang lalaking ito!

Lumayo ako at bumalik sa sala. Nakita ko ang hagdan at mabilis na umakyat. Binuksan ko ang isang kwarto at nakita ang sirang damit ni Ate Bel sa ibabaw ng kama. Kinuha ko ito at niyakap. Gusto kong umiyak sa sobrang pagkabahala.

Loving You Behind The Scene (Bel and Ethan Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon