Ethan
Sira ulo talaga itong kakambal ko. Napakahirap bang tanggapin na buhay ang mga magulang niya at may iba pa siyang pamilya bukod kay Lolo! Napangisi ako habang pinagmamasdan si Mommy na tumutulo na ang mga luha. Alam ko kung gaano niya kagustong mayakap si Nathan.
"Have some respect, brat!" Galit na saway ni Lolo.
Sarkastik na tumawa si Nathan. "Respect is given to those who deserve it!"
Yun lang at walang lingon-likod siyang lumabas ng kwarto. Agad kong kinuha ang aking cellphone at tinawagan si Smith. Inutusan ko siyang sundan si Nathan!
------------------------------------
"Let's go!" Yaya ko kay Smith pagkatapos naming maihatid sila Lolo sa mansyon.
Sumakay ako sa sasakyan.
"Are you sure about this? Surely he will get mad." Pagpapaalala sa akin ni Smith.
"I don't care. I just need to talk to him." Diretso kong sagot.
Nakarating kami sa isang malaking villa kung saan nagtatago ang kakambal ko. Kahit anong mangyari kailangan ko siyang iuwi sa mansyon! Kailangan niyang umuwi para makabalik ako sa Pilipinas! Wala akong pakialam kung magalit siya!
Nagmamadali akong bumaba ng sasakyan at tuloy-tuloy na pumasok sa nakabukas na pintuan. Bumungad sa akin ang napakaaliwalas na plaigid. Salamin ang halos lahat ng mga dingding. Tanaw na tanaw ko sa labas ang private swimming pool.
Napangisi ako. He surely is enjoying himself!
Napatingin ako sa tunog ng mga yabag ng paa. Lumabas mula sa kwarto si Nathan na naka t-shirt at pajama. Sumingkit ang kanyang mga mata at umigting ang kanyang panga.
"What the hell are you doing here!" Inis niyang tanong.
"Just dropping by. We need to talk." Seryoso kong sagot.
"Get the hell out of here!" Matalim ang mga tingin niya sa akin.
"Listen, I need you to come home for Lolo's sake." Pakiusap ko sa kanya. Kahit marami na akong narinig na hindi magandang ugali ng kakambal ko, naniniwala pa rin akong may pakialam siya kay Lolo kahit papano. Hindi naman siguro siya dadalaw sa ospital kanina kung hindi siya nag-aalala.
"Get out!" Nagpipigil niyang singhal.
Pinigil ko ang aking sarili. Huminga ako nang malalim. Kalma Ethan. Kailangan mo siya para makabalik ka na sa Pilipinas.
"I'm not going anywhere." Mahinahon kong sagot.
Ngingisi-ngisi siyang tumawa. "Do you want to die?" Pagbabanta niya.
"No, I want to go home- to the Philippines." Sagot ko.
Kumunot ang noo niya. "Philippines.." Ulit niya.
"I know it's hard to accept the truth. Pareho lang tayo." Sabi ko. Alam kong nakakaintindi at nakapagsasalita siya ng tagalog. Lolo is a pure Filipino.
"Huh, hindi tayo pareho!" Naiinis niyang sabi habang palapit sa akin.
"You're not the only one caught in this mess. I have a life in the Philippines; I need to go back there as soon as possible. I don't care about Lolo's money or his company. I'm just here to pretend to be you. Since the ceremony was finished, I'm done!" Paliwanag ko sa kanya.
Tumango-tango siya na parang nang-aasar.
"I just need you to come home. If you don't want me to stay here in Canada, then I'll be gone before you know it. Having a twin brother really sucks, you know." Dugtong ko.
Lalo siyang lumapit sa akin. Dinuro niya ang dibdib ko.
"I told you we're different. Do you really think this is all about you being here? I don't care what you care about. I don't care about your life in the Philippines. I only want to do what I want to do." Nakangisi niyang sabi sabay tulak sa akin paatras. Nilagpasan niya ako.
Pumikit ako sabay hinga nang malalim. I stretched my neck. So selfish!
"What do you want then?" Pagpapaubaya ko sa kanya.
Tumalikod ako para sundan siya. Tumigil ako nang humarap siya pagkarinig sa tanong ko. Mukhang interesado siya. Lumawak ang kanyang pagkakangisi.
"I want you to beg." Mayabang niyang sabi.
"What?" Salubong ang kilay na tanong ko.
"I said beg! You want me to go home, then beg!" Nanunuya niyang sabi.
Nanliit ang mga mata ko. Ang sarap sakalin ng leeg niya. Gustong-gusto ko na siyang patulan pero nakikita ko ang mukha ni Ate Bel sa aking harapan. Napatikom ang aking bibig.
Nakita ko kanina sa lumang cellphone na iniwan ko sa bahay ang mga missed call ni Ate Bel. Bakit siya tatawag kung walang importanteng dahilan? Napakakuripot niya para mag-overseas call. Tumawag ako pabalik pero hindi niya sinasagot. Kailangan ko nang umuwi sa Pilipinas.
"Okay, I beg you- please go home." Sincere na pakiusap ko sa kanya.
Lalong lumapad ang kanyang pagkakangisi. Tumawa siya na parang nanalo sa lotto. Natutuwa talaga siyang paglaruan ako.
"Kneel!" Sunod niyang sabi.
Napamulagat ang mga mata ko. "What?"
Bumuntong-hininga siya na parang nawawalan ng pasensya.
"I said KNEEL! You want me to go home, then KNEEL. I promise to go home if you kneel." Nanunubok niyang utos.
Humugot ako nang sobrang daming hangin. Inulit ko pa ang paghinga nang malalim. I got nothing to lose. He promised to go back home kapag lumuhod ako.
Wala sa sarili akong tumango. Iniisip ko na lang na para ito kay Ate Bel at kay Nina.
Dahan dahan kong itinupi ang mga binti ko. Lumuhod ako sa harapan niya. Nilunok ko lahat ng pride na nasa katawan ko. I have never done this before. I just want to go home where my heart belongs.
Yumuko ako. Maya-maya ay inangat ko ang aking ulo. Tinitigan ko ang kakambal kong mariin ding nakatitig sa akin.
"Please, go home, Nathan." Pakiusap ko sa kanya. Kung gusto niyang umiyak pa ako ay iiyak ako umuwi lang siya.
Seryoso siyang nakatingin sa akin. Nawala lahat ng emosyon sa kanyang mukha. Tumalikod siya.
"Get lost! Get out of here!" Malamig niyang sabi.
Bumagal ang tibok ng puso ko. Kinuyom ko ang aking kamao. Nagdidilim ang paningin ko. He promised to go home kapag lumuhod ako. Unti-unti kong itinayo ang aking mga binti. Mariin ko siyang tinitigan habang siya ay nakatalikod.
"Tara!" Seryoso kong utos sa kanya.
Humarap siya sa akin wearing that annoying smirk.
"I said get lost!" Wala siyang balak tuparin ang pangako niya.
Lalo kong kinuyom ang aking kamao. Lalampasan niya na naman ako.
"Nathan." Tawag ko sa kanya.
Binalanse ko ang aking katawan. Kinuha ko ang lahat ng pwersa mula sa ilalim. Inarko ko paitaas ang aking kamao. Nagpakawala ako nang isang malakas na uppercut. Tumama ito sa panga ni Nathan. Sa isang iglap ay tumumba siya sa sahig. K.O. Tumawa ako. Tinuruan ako ni Reyden kung paano magpabagsak ng kalaban sa isang suntok!
Nagpakawala ako nang malakas na buntong-hininga.
"Smith!" Sigaw ko. Nagkukumahog na lumapit si Smith. "Rope!" Utos ko.
Nagmamadali siyang kumuha ng tali na hindi ko alam kung saang lupalop niya hinanap. Tinalian ko ang kamay at paa ni Nathan.
"Sir Ethan." Namumutlang sabi ni Smith na halatang kinakabahan.
"I promise you won't loose your job." Pagpapakalma ko sa kanya.
Kailangang turuan ng leksyon ang kakambal kong ito!
---------------to be continued--------------
Thank you for reading. See you tomorrow!
BINABASA MO ANG
Loving You Behind The Scene (Bel and Ethan Love Story)
CasualeA kind heart, a gentle personality, a true friend, and a good woman- her name is Bel, a not so typical lead imagined in fairy tales. She isn't that gorgeous; she's fat! She isn't ordinary; she is out of this world! She has her own world until she me...