Ethan
Lumipas ang mga araw. Natapos ang mga dapat matapos. Hindi na kami muling bumalik sa police station para makialam sa kaso ng serial killer. Bahala na ang mga pulis. Huli kong balita ay inilipat siya sa City Jail para doon hintayin ang kanyang sintensiya.
Kasabay ng pagdaan ng mga araw ay ang paglipas ng mga emosyon. Mga damdaming minsang nabalot ng takot,pag-aalala, pagkasuklam, at pagkakilabot. Dumaan ito na para bang nabaon sa limot. Unti-unting bumalik ang sigla ng lahat.
Hindi na namin muling inungkat ang tungkol sa kanya. Hindi ko na rin muling narinig mula sa bibig ni Ate Bel ang salitang bata.
Katulad ng dati ay nagbakasyon kami sa Baguio para samahan si Nina. Naiwan si Reyden sa Maynila dahil marami na siyang inaasikaso sa trabaho at sa nalalapit niyang pagre-review para sa board exam.
Matapos ang isang linggo ay bumalik din kami sa Maynila. Sa aming lahat, ako lang yata ang pinaka walang ginagawa. Masyado akong maraming free time na minsan ay nakakahiya na. Sabagay, kasalanan ko naman dahil nagpaiwan ako rito imbes na sumama sa pamilya ko sa aming farm sa Batangas.
Nakaupo ako sa loob ng kotse habang hinihintay lumabas si Ate Bel sa opisina. Sa kabutihang palad ay wala namang gaanong gumagambalang kaluluwa sa kanya. Hindi ako nai-stress sa paghabol at pagsaway sa kanya.
Nakita ko siyang palabas na sa opisina. Hindi na niya kasama si Len. Nag-resign ito matapos ang kidnapping incident at bumalik na lang sa probinsiya. Hindi ko na kinailangang bumisina dahil kabisadong-kabisado na niya ang itsura ng aking sasakyan na kalalabas lang sa kasa matapos ayusin.
Todo ngiti si Ate Bel pagkabukas na pagkabukas niya ng pinto. Agad siyang umupo at inayos ang kanyang seatbelt. Hinila niya ito pero na-stuck. Hindi na siya nag-isip at pinilit itong hilain na parang gusto niya itong sirain.
Tssk. "Ate Bel, kaaayos lang ng sasakyan, sisirain mo na agad." Reklamo ko. Pumaling ako at inabot ang kamay niyang may hawak sa seatbelt.
Napangiti ako nang hindi siya kumibo. Hinayaan niya lang akong gabayan ang kamay niya. Ibinalik ko ang seatbelt bago ko ito muling hatakin. Ramdam ko ang pagsagi ng aking kamay sa kanyang dibdib. Pilyo akong napangiti habang ninanamnam ang masarap na sensasyon na gumagapang sa aking balat.
Napatitig ako sa kanyang mukha nang matapos kong ikabit ang seatbelt.
"Ate Bel, you're beautiful!" Usal ko.
Napatitig siya sa akin. Napansin ko ang pamumula ng kanyang pisngi. Napangiti ako. Kinikilig ba siya? Gusto kong pakiligin siya hanggang sa sabihin niyang gusto niya ako.
"Let's go somewhere. Let's stay the night out of town; just the two of us. Wala ka namang duty bukas, di ba?" Magiliw kong tanong.
Nakatikom ang bibig niya. Mukhang nagulat siya sa tanong ko.
"Ayaw mo ba?" Nanghihinayang kong tanong.
Ngumiti siya. "Saan tayo pupunta?" Sa wakas ay nagtanong siya.
"Beach Resort." Suggestion ko.
"Hindi natin isasama si Nina?" Tanong niya.
Umiling ako. "Just the two of us." Ulit ko sa aking sinabi.
Tumango-tango siya. Oo ba o hindi?
"Do you want to go?" Pangungumpirma ko.
Ilang segundo ang itinagal bago siya sumagot. "Sige." Sagot niya. Napangiti siya ng todo. Kumikinang ang mga mata niya dahil sa excitement.
Wala na akong nagawa kundi ang mapangiti na rin. Kung alam niya lang kung gaano ako kasaya na makakasama ko siya ngayong gabi! Ulit-ulit kong sinasabi sa aking isipan ang salitang kaming dalawa lang. Solo ko siyang makakasama sa ilalim ng buwan.
BINABASA MO ANG
Loving You Behind The Scene (Bel and Ethan Love Story)
RandomA kind heart, a gentle personality, a true friend, and a good woman- her name is Bel, a not so typical lead imagined in fairy tales. She isn't that gorgeous; she's fat! She isn't ordinary; she is out of this world! She has her own world until she me...