Ethan
"What the hell is really wrong with you!" Galit na galit kong sigaw sabay hatak sa kwelyo ni Nathan palapit sa akin. Isa lang naman ang dapat niyang gawin! Get the favor of that girl para sa business deal!
God knows how much I want to kill him right now! Kung pwede ko lang siyang ibaon sa lupa ay gagawin ko na ngayon. How can he messed up on the day napipirma na lang ng kontrata ang kliyenteng iyon!
"I told you I really don't know that woman! I don't know where she came from. Bigla na lang niya akong hinalikan in front of the lady!" Depensa niya sabay hawi sa akin palayo.
"You just don't want to do this right, do you? All this time ang gusto mo lang naman talaga ay pahirapan ako!" Gigil kong usal. Hindi ako naniniwala sa kanya!
Malapad siyang ngumisi. "Yeah brother, you should not have trusted me to do that. You should have done it yourself!" Tumawa siya. " But how can you do it? You cannot even touch a woman except maybe for that Bel you're always talking about." Mapang-asar niyang sabi.
Tiim-bagang akong napatitig sa kanya. Nakakuyom ang aking mga kamao. Damn him! Kumukulo and dugo ko sa kanya. "You know what? I'm done! I'm not going to pretend to be you anymore! Bahala ka na sa kumpanya mo. Anyway, they all know it's you, not me!" Matigas kong sabi sabay walk-out.
Nanginginig ang mga kamao ko. Pumasok ako ng gym. Isinuot ko ang boxing gloves. Malakas kong sinuntok ang punching bag. Bwisit talaga! Bakit kailangan kong saluhin lahat ng trabaho niya? Simple lang naman ang pinagagawa ko, bakit hindi niya pa nagawa nang tama!
Nagpakawala pa ako nang maraming suntok. Sa dinamirami siguro ng babaeng naikama niya, hindi na niya maalala ang iba. Hindi niya raw kilala ang babaeng humalik sa kanya? Shit! Damn him! Napakasinungaling!
"Wahhhh!" Malakas kong sigaw sabay suntok sa punching bag! That deal is important!
-----------------------------------------
Ate Bel
Tinungga ko ang laman ng shot glass. Gumihit ang mapait na lasa sa aking lalamunan pero hinid ko iyon inalintana. Umuulit-ulit sa isip ko ang nangyari kanina.
Hinalikan ko siya pero bakit hindi man lang niya ako nakilala. His lips were so cold. His stare was blank. Hindi ko matanggap nang tanungin niya kung sino ako.
Lumagok ulit ako ng alak. Parang dinudurog ang puso ko. Kaya ba siya biglang nawala? Kaya ba siya bigla na lang hindi nagparamdam dahil may iba na siya? Sabagay wala naman akong karapatan sa kanya dahil hindi naman kami. Ako lang ba ang umasa? Ako lang ba ang naghangad na makita siyang muli?
Nasa harapan ko si Nina at Dave pero parang nasa ibang mundo ako. Hindi talaga ako makapaniwala. Paano niya nagawang kalimutan ako nang ganoon na lamang? Uminom ulit ako. Hindi ko matanggap na nag-iba na si Ethan- na kinalimutan na niya talaga ako!
Alam kong lasing na ako sa dami ng alak na nalagok ko. Pumipikit na ang aking mga mata. Umiikot ang buong paligid. Naramdaman ko na lang na may umalalay sa akin papunta sa kwarto.
"Ethan." Desperado kong tawag sa kanyang pangalan.
Nagmulat ako ng mga mata. Nakahiga na ako sa kama. Nakita ko si Nina na nasa aking tabi. Namumuo ang mga luha sa aking mata. Ang sakit, ang sakit ng dibdib ko!
"Ate Bel." Mahina niyang tawag sa aking pangalan.
Pinilit kong bumangon at sumandal sa ulunan ng kama. Gusto ko ng hangin. Gusto kong huminga. "Nina, it hurts, it really hurts." Bulong ko kasabay nang pagpatak ng aking mga luha. Hinawakan ko ang aking dibdib.
![](https://img.wattpad.com/cover/210188858-288-k827678.jpg)
BINABASA MO ANG
Loving You Behind The Scene (Bel and Ethan Love Story)
RandomA kind heart, a gentle personality, a true friend, and a good woman- her name is Bel, a not so typical lead imagined in fairy tales. She isn't that gorgeous; she's fat! She isn't ordinary; she is out of this world! She has her own world until she me...