Chapter 57: Stage 3

192 34 4
                                    

Ethan

Natigilan ako sa pagsasalita nang makita ko si Nathan na kakaibang nakatitig sa akin mula sa terrace ng kanyang silid. Nasa terrace din ako ng office na katabi ng kanyang kwarto. Inilayo ko ang telepono sa aking tainga. Ano na naman ang trip niya?

Ngumisi siya sabay taas ng hawak niyang wine glass. Alam kong inis na inis pa rin siya sa akin dahil sa ginawa kong pagpapauwi sa kanya kanina. Nginisian ko rin siya; we are brothers after all.

Magpapaalam na sana ako kay Ate Bel nang makita kong off na ang tawag. Napanguso ako. Nag-chat ako ng good night. Nang magreply siya ng good night ay agad akong napangiti. I didn't turn on the video cam dahil makikita niyang puro pasa ang mukha ko. Ayoko siyang mag-alala sa akin.

Malapit na akong umuwi. Malapit ko na siyang makita ulit. Malapit ko nang masabi na mahal ko siya. Pumasok ako sa office. Inayos ko ang mga files at inilagay ito sa cabinet. This would be my last day inside this hell room. No more reading of reports, no more memorizing names! Hahaha!

-------------------------------------

Kinabukasan.

Magkakaharap kami sa hapag kainan.

"Call Nathan!" Utos ni Lolo sa isang maid.

Agad itong sumunod at bumalik din agad. "He does not want to eat breakfast, master." Magalang nitong sagot.

Bumuntong-hininga si Lolo. "Let's eat." Cold niyang utos sa aming lahat.

Patapos na kaming kumain nang magsalita ako.

"Lolo, my job is finished- I'm going back to the Philippines." Sabi ko. Napatingin silang lahat sa akin.

Umubo si Dad. Halatang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko.

"Ethan, let's not talk about that in front of the food." Saway sa akin ni Mom.

Kumunot ang noo ko. "Why? Lolo said I can go after the ceremony." Katwiran ko.

"Yeah, I told you you're free; but your Mom and Dad might think otherwise." Mahinahong sagot ni Lolo.

Napalunok ako. Itinulak ko ang pinggan sa aking harapan. Bigla akong nawalan ng gana. Inurong ko ang upuan at tumayo.

"Finish your food!" Utos ni Dad.

"I'm full." Sagot ko.

"I said finish your food!" Mariing utos ni Dad.

"I said I'm full." Muli kong sagot sabay lakad palayo.

Nakakainis talaga! Ano ba talagang ginagawa ko rito? Nandito lang ako para magpanggap! Hindi naman malala ang lagay ni Lolo, wala rin naman yatang sakit si Dad. Mom never mentioned that he is ill. Si Nina lang ang nagsabi sa akin na may sakit si Dad.

Napasingkit ang mga mata ko. Did she tell a lie para sumama ako rito?

Tumayo ako sa gilid nang malawak na swimming pool. Nakukunsumi akong bumuntong-hininga. Ayoko talagang mag-stay dito!

"Do you really think you can go home?" Nang-aasar na tanong ng boses na papalapit sa akin.

Tinapunan ko siya nang masamang tingin. Ang magaling kong kakambal. Gusto niya ba uling magbasagan kami ng mukha?

"Whoa, scary!" Nakakaloko niyang sabi habang nakatingin sa akin.

"Leave me alone." Wala ako sa mood na makipag-asaran sa kanya.

"Did you leave someone behind? Girlfriend? Special Someone? Tssk, tssk. No such thing as that, brother!" Nanunuya niyang sabi.

Tigilan niya ako baka masuntok ko siya ulit!

Loving You Behind The Scene (Bel and Ethan Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon