Chapter 69: That's Why She Slapped Me!

188 31 6
                                    

Ate Bel

Muli akong nagising sa kama. Unti-unti akong bumangon. Anong nangyari sa akin? Bakit bigla akong nahilo? Anong oras na ba? Bumaba ako sa kama at tumungo sa bintana. Umaga na, umaga na naman!

Tiningnan ko ang aking sarili. Suot ko pa rin ang damit na isinuot ko kahapon. I should have went home! Naalala kong bigla ang mga garapon. Bakit maraming garapong may lamang kaluluwa sa loob ng cabinet? Si Lee, bakit siya may ganoong bagay?

I need to get out of here! Nakita ko ang aking sapatos sa ilalim ng kama. Agad ko itong kinuha at isinuot. Tumungo ako sa pinto at pinihit ang doorknob. Naka-lock! Bakit ako naka-lock dito!

Tumungo ako sa bintana. Hinawi ko ang kurtina. Nakarehas ito! Shit! Kinukutuban ako nang hindi maganda! Anong balak gawin sa akin ni Lee! Patalikod na ako nang maramdaman ko ang malamig na hangin. Pamilyar ang pakiramdam na ito! Lumingon akong muli sa bintana.

May multo! Bahagya akong umatras. Lumusot ang multo sa dingding ng kwarto. Inilapit ko ang aking kamay. Hinawakan ko siya. Nabuo ang anyo ng isang lalaki, si Kade, kapatid ni Jane!

"What do you want?" Tanong ko sa kanya.

Nakatitig siya sa akin nang malalim. May gusto siyang sabihin pero wala siyang kakayahang makapagsalita. Huminga ako nang malalim.

"Okay, get inside of me!" Sabi ko sa kanya. Iniiwasan kong gawin ito pero wala na akong ibang choice. Pumikit ako at niyakap ko siya.

Naramdaman ko ang pagpasok niya sa aking katawan. Pagmulat ko ay nakita ko Meridith! Nasa bahay kami nila Jane. Isa-isang ikinulong ni Meridith sa garapon ang mga multo sa bahay! Alam ko na- kaya sila biglang nawala. Sunod kong nakita nang ibigay ni Meridith ang garapon kay Lee!

Napatigil ako sa aking paghinga. No! Magkakampi sila! Napapikit akong muli. Pagmulat ko ay agad akong natumba. Humihingal akong napatingin kay kade na nasa harapan ko na. Nasa cabinet ang mga kaluluwa ng kanyang pamilya!

"Help me get out of here!" Pakiusap ko sa kanya.

Umiling siya na parang natatakot. Narinig kong may mga yabag na paparating. Tumingin ako kay Kade. Takot siya kay Lee at Meridith!

"Find Nina! I know you know her! Tell her where I am! I promise to help you get your family back! Please!" Pakiusap ko bago siya tuluyang naglaho.

Napasinghap ako. Anong gagawin ko? Narinig ko ang lock na bumubukas. Agad akong tumayo at umupo sa gilid ng kama. Pagkabukas ng pinto ay kunwaring itinatali ko ang sintas ng aking sapatos.

Pumasok si Lee. "You're awake!" Sabi niya. Parang hindi niya gustong nagising ako.

Tumingin ako sa kanya at ngumiti. "Yeah. Sorry, I passed out yesterday. I really need to go home!" Normal kong sabi sa kanya. Hindi niya dapat mahalata na alam ko na na magkasabwat sila ni Meridith!

Ang sinabi niya kahapon. They need me to bring souls back to life! Kaya ba maraming nakakulong na multo sa loob ng mga garapon? My God! This is insane!

"Of course you can. Let me drive you home." Mabait niyang pagsang-ayon.

Shit! Anong binabalak niya? Bakit siya pumayag nang ganoon kabilis! Sumunod ako sa kanya palabas ng kwarto. Muli kong nakita ang cabinet. Napansin niyang nakatingin ako roon.

"They're gone! I did a ritual to free them from their misery." Agad niyang depensa sabay bukas ng cabinet. Wala na nga ang mga garapon.

Napalunok ako. Pilit akong ngumiti para hindi niya mahalatang alam ko na ang totoo. Lumabas kami ng unit. Nasaan ako? Tumungo kami sa parking lot. Walang katao-tao sa paligid. I need to run! Luminga-linga ako, saan ako tatakbo!

Loving You Behind The Scene (Bel and Ethan Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon