"Ikaw at Ako"
(Bel and Ethan)
By Ms. Georgina Gaddi
Ikaw at ako
lumaki sa magkaibang mundo
nguni't di akalain
tayo ay pinagtagpo
Ikaw at ako,
kaibigan ang naging turing
subali't iba ang isinisigaw ng puso.
Biru-biruan, magkaasaran
daming pinagdaanan
pati na kababalaghan...
kahit na yata kamatayan
hindi inuurungan.
Bakit nga ba ayaw pahalata
nararamdaman para sa isa't isa?
takot bang mawala o nagpapakatanga?...
Anduon ang akala
na isa lamang ang nagmamahal
sadya kasing di maniwala
na higit pa sa kaibigan.
Isang araw di na nakayanan
sumabog ang puso na ikaw ang nilalaman
duon napagtanto
iisa pala ang damdamin.
Nakakatuwa, nakakainis
sapagka't ilang taon din ang tiniis
upang patunayan na ikaw at ako,
ay pwedeng "tayo"
Sa kabila ng maraming bagay na di natin pagkakapareho
Ikaw at Ako-
tayo pala hanggang dulo!
----------------------------------------
Thank you ms. G for the very nice poem!
Trivia: Si ms. G ang nag-iisang reader na kilala si Arjoan sa tunay na buhay! She is the first and the only person I met in wattpad whom I added in my personal account. 😍😘
Love you Ms. G!
BINABASA MO ANG
Loving You Behind The Scene (Bel and Ethan Love Story)
RandomA kind heart, a gentle personality, a true friend, and a good woman- her name is Bel, a not so typical lead imagined in fairy tales. She isn't that gorgeous; she's fat! She isn't ordinary; she is out of this world! She has her own world until she me...