Ethan
Nakapagtataka talagang walang tao. Never pa na umuwi akong madilim at wala si Ate Lyn sa bahay. Umikot kami ni Reyden sa likuran. Hinila ko ang screen door at pinihit ang doorknob ng pintuan. Napatigil ako nang umikot ito. Kung sakaling umalis si Ate Lyn at iniwan niya ang bahay, dapat sarado rin ang pintong ito.
Napatingin ako kay Reyden. Nangungusap ang mga mata kong sumenyas sa kanya. Alam kong nakuha niya ang ibig kong sabihin. Hindi ito ang unang pagkakataong nalagay kami sa alanganing sitwasyon. Tumango siya at sinenyasan akong buksan ang pinto.
Dahan-dahan kong itinulak ang pinto habang nakatago sa gilid ng pader. Tanging ang madilim at tahimik na paligid ang bumungad sa amin. Masusi naming tiningnan ang loob bago kami dahan-dahang lumakad paloob.
Sinigurado naming tahimik ang aming mga yabag habang papasok sa kitchen. Walang kahit na anong kakaiba sa loob. Malinis at nakaayos ang mga gamit katulad ng pagkakasalansan ng mga ito kaninang umalis ako.
Lumusot kami sa living room. Maayos din ang paligid. Walang bakas ng kahit na ano. Napakunot ang noo ko. Praning lang ba talaga kami o sadyang may kakaiba. Kinapa ko ang switch sa pader at binuksan ang ilaw. Lumiwanag ang paligid.
"The house is fine." Bulong ni Reyden.
Huminga ako nang malalim sabay pameywang. Nag-alala kami sa wala. Lumakad ako at binuksan ang maid's quarter kung saan natutulog si Ate Lyn. Wala siya sa loob. Saan kaya siya nagpunta?
Isinuksok ko ang aking kamay sa aking bulsa para kunin ang aking cellphone. Nakita kong may ilang missed call galing kay Ate Lyn. Napangisi ako. Naka-silent ang phone ko at hindi ko namalayang tumatawag siya.
Agad akong nag-return call. Sumagot si Ate Lyn sa kabilang linya.
"Ate Lyn." Tawag ko.
"Sir Ethan! Nasaan ka?" Tanong niya na parang ninenerbiyos.
"Nandito sa bahay, Ate. Where are you?" Taka kong tanong.
"Paano kang napunta riyan? Hindi ba dapat nandito ka sa ospital?" Nagtataka niyang tanong pabalik.
"Huh? What?" Naguguluhan kong tanong.
"May tumawag kanina sa bahay sabi nandito ka sa ospital dahil naaksidente ka! Naku, bata ka! Papatayin mo ko sa nerbiyos! Bakit ba hindi mo sinasagot ang cellphone mo!" Kanda ugaga niyang tanong.
Hindi ko na mailarawan ang itsura ng aking mukha sa sobrang pagtataka. Paanong may tumawag? Budol-budol lang!
"Ate Lyn, I'm fine! Baka may gusto lang sumalisi sa bahay!" Suspetsa ko.
"Naku, pasensya na sir Ethan. Hindi ko na nga na-check yung mga lock kakamadali ko kanina." Nagi-guilty niyang sabi. Kaya pala bukas ang pinto sa back door.
"I'ts okay, Ate Lyn. Just come home, please." Malambing kong pakiusap sa kanya.
Narinig kong binuksan ni Reyden ang main door.
"Nina!" Malakas at nag-aalala niyang sigaw.
Hindi ko na napatay ang tawag sa cellphone. Agad akong tumakbo at nakita si Nina na walang malay na buhat buhat ni Reyden papasok sa bahay. May tumutulong dugo mula sa kanyang ulo.
"What happened!" Gulantang kong tanong sabay takbo palabas para tingnan kung nasaan si Ate Bel.
Napansin kong bukas ang gate. Kumaripas ako ng takbo. Pagkalabas ko sa gate ay nakita ko ang isang taxi na papalayo. Hindi ako maaaring magkamali; iyon ang taxing bumangga sa akin kanina.
![](https://img.wattpad.com/cover/210188858-288-k827678.jpg)
BINABASA MO ANG
Loving You Behind The Scene (Bel and Ethan Love Story)
RandomA kind heart, a gentle personality, a true friend, and a good woman- her name is Bel, a not so typical lead imagined in fairy tales. She isn't that gorgeous; she's fat! She isn't ordinary; she is out of this world! She has her own world until she me...