Chapter 43: I Choose Her

242 33 8
                                    

Ate Bel

Nanggigigil ako sa inis! Paano nagawa ni Ethan na patulan ang babaeng iyon! Hindi ako makapaniwala! Dahil ba maganda siya, maputi, makinis, at payat? Nakakabwisit silang dalawa! Ang sarap nilang pag-untugin!

Bukod sa magandang katawan, ano bang meron sa babaeng iyon na wala ako! Bakit kahit halos wala na akong saplot ay hindi ako kayang patulan ni Ethan. Hindi niya ba alam na base sa pag-aaral ay mas masarap makipag-sex sa mga matataba! Anong mapapala niya sa payat na babaeng iyon!

Ang kapal ng face ng Conney na 'yon! Gaano siya kasiguradong mabubuntis siya! Agad-agad! Katutuhog lang, buntis na! Ganon! Ganon na lang ba talaga kadali! Mga walang hiya!

Yayakap-yakap pa na parang maamong tupa yun pala may ginawang kababalaghan! Nakakakunsumi ka Ethan! Naku, sarap mong tirisin!

"Patay na, Ate Bel!" Dilat ang mga matang sabi ni Nina na nasa aking harapan. Kailan siya napunta sa harap ko?

"Anong patay?" Kunot noo kong tanong.

"Yung taong iniisip mo, patay na 'yon kung sakaling nakamamatay ang pag-i-imagine!" Sagot niya.

Napangisi ako. "Nakakaasar kasi!" Bulong ko.

"Dahil nasabunutan ka o dahil may ibang babae si Ethan?" Tanong niya.

"Both." Mahina kong sagot.

"Sabihin mo lang, kakalbuhin natin ang babaeng iyon! Hindi niya pwedeng basta-bastang saktan ang Ate Bel namin!" Matapang niyang sabi.

Inis akong natawa. Mabait pa ako kanina dahil hindi ko siya pinatulan. Kapag inulit niya pa, sisiguraduhin kong mapipitpit ang patpatin niyang katawan!

-------------------------------------------

Ethan

I can't believe Ate Bel is pregnant. Paano nangyari iyon? Paanong ako ang ama? Huwag niyang sabihing nakipag-sex siya sa iba without even saying a word. Hindi ko matanggap na may nauna sa kanya. Kung alam ko lang matagal ko na sanang ginawa lahat ng gusto kong gawin sa kanya.

Naiinis ako sa kanya. Mas naninibugho ako sa nalaman ko kaysa sa nangyari sa amin ni Conney! Anong gagawin ko? Alam kong hindi ako ang ama ng dinadala ni Ate Bel pero bakit hindi ko magawang kamuhian siya sa kanyang pagsisinungaling.

Nagpapasalamat ako sa ginawa niya kanina dahil natigil si Conney sa pagwawala. Pagkatapos nilang magsagutan ay bigla na lang silang nag-walk out na dalawa. Naiwan kami ni Reyden na walang nagawa kundi ang tumahimik.

Gusto kong magpaliwanag sa lahat ng nangyari pero kahit ako ay nalilito na rin. Kung sa pagitan nilang dalawa ay si Ate Bel ang pipiliin ko at hindi si Conney. Pero paano ang bata? Paano kung mabuntis si Conney? Ang batang iyon ang tunay kong anak!

"Sir Ethan? Dinner?" Nag-aalangang tanong ni Ate Lyn.

Napatingn ako sa nakaawang na pinto kung saan nakadungaw si Ate Lyn. "Wala akong gana, Ate."

Bumukas ang pinto at pumasok si Ate Lyn. "Problemado ang alaga ko ah!" Simpatya niya.

"What do I do, Ate Lyn?" Baka sakali kong tanong.

"Sino ba ang mahal mo?" Tanong niya sabay upo sa tabi ko.

Huminga ako nang malalim. "Si Ate Bel." Mahina kong sagot.

Nakita kong napangiti siya. "Sabi na nga ba eh! Gusto mo talaga si Bel!" Kinikilig niyang sabi.

Bahagya akong napangiti. "Paano si Conney?" Tanong ko.

"Alam mo, kakaiba ang itsura ng babaeng iyon! Para siyang payat na may dinaramdam." Sabi niya.

Napatingin ako sa kanya. "What does that mean, Ate?" Curious kong tanong.

"Para siyang buntis." Komento niya.

Napakunot ang noo ko. "Ate Lyn naman eh, pinagdarasal ko nga na hindi!" Reklamo ko.

"Hindi, parang buntis na siya! Matagal na! Naalala ko kasi ang mommy mo sa kanya. Ganon ang itsura ni ma'am nung nagbubuntis. Tipong nangangayayat dahil naglilihi." Sagot niya.

Lalong nagsalubong ang kilay ko. Malay ko ba sa mga naglilihi?

"Bakit si Ate Bel, mataba pa rin?" Naibulalas ko.

Natawa si Ate Lyn. "Ewan ko sa'yong bata ka, minsan common sense is not so common after all." Sagot niya sa akin sabay tayo. Parang linya ko 'yon ah!

Iniwan niya ako sa kwarto. Napahawak ako sa akin sintido. I need to talk to Conney! Bahala na. Kailangan kong sabihin sa kanya na hindi ko siya kayang panagutan kahit pa mabuntis siya.

---------------------------------------------------

Kumatok ako sa pinto. Nasa tapat ako ng condo ni Conney. Ilang saglit lang ay bumukas ito. Nilakasan ko ang aking loob. Papasok na naman ako sa lugar kung saan ako napahamak!

"Ethan!" Hindi makapaniwalang tawag ni Conney sa aking pangalan. Hindi ako kumibo. Agad niya akong pinapasok.

"I just want to talk and clear things out." Malumanay kong sabi.

"Are you here to choose me over Bel?" Umaasa niyang tanong. Napangisi ako.

"I'm here to tell you that I choose Bel over you." Diretso kong sagot.

Natigilan siya. Gumuhit ang inis sa kanyang mukha. Magwawala na naman ba siya? Hindi na ba siya nagsawa na ipagpilitan ang sarili niya sa akin. Nagpipigil siyang humarap sa akin habang nakakuyom ang kanyang kamao. Tinitigan niya ako nang malalim.

"Why can't you just love me?" Mapait niyang tanong.

Napayuko ako. "Con, you can't force someone to love you. You cannot just force love to happen." Mahina kong sagot.

"But Ethan, we were friends! We made a promise before! Am I not beautiful enough to be your wife?" Mangiyak-ngiyak niyang tanong.

"You are beautiful, you are my friend, but that doesn't mean you can insist something na ikaw lang ang may gusto. Paano mo naaatim na pahirapan ako nang ganito? I trusted you because you are my friend. If you can deceive me right now, how much more if you will become my wife." Desperado kong sagot.

Kung kailangan kong magmakaawa sa kanya na tigilan na niya ako ay gagawin ko. Ayokong matali sa kanya at ayokong makasama siya habambuhay.

Humakbang siya palapit sa akin. Hindi na nakakuyom ang kanyang mga kamao.

"Ethan.." Matamlay niyang usal. Nasaan ang tapang niya? Bakit para siyang biglang tumiklop?

"Conney, I just want you to leave me alone, please." Pakiusap ko sa kanya.

Hindi ko alam kung narinig niya ba ang huli kong sinabi dahil bigla na lang siyang hinimatay.

"Conney!" Gulat kong tawag sa kanya sabay salo sa kanyang katawan.

---------------------------------------------------

"How is she Doc?" Nag-aalala kong tanong pagkatapos siyang suriin ng doctor. Halos isang oras na akong naghihintay. 

Nandito kami sa ospital kung saan ko rin siya dinala noong araw na dumating siya sa Pilipinas. Aminado akong galit ako kay Conney pero hindi ko naman ipinagdarasal na maging ganito ang kalagayan niya.

Tinapik ako ng doktora sa balikat. "She's fine, normal sign of pregnancy. She just needs to take a rest. Make sure she takes her vitamins and drink her milk. Your baby is fine. We conducted an ultrasound; fetal size is about 2 months. Do you already have an OB?" Tanong niya.

Para akong lumutang sa sinabi niya. Ano raw?

"Doc, paki-ullit." Naguguluhan kong sabi. 

Napangiti siya. "Hindi mo ba alam na buntis siya?" Tanong niya.

Umiling ako. "She's not my wife or girlfriend, Doc." Pagtatama ko sa iniisip niya.

Napaawang ang bibig niya. "Ahhhh, I'm so sorry." Nahihiya niyang sabi.

Ngumiti ako. "What you said a while ago, 2 months na po siyang buntis?"

-------------------- to be continued----------------------------------

Sa Monday po ulit ang update. Thank you for reading! Don't forget to vote and comment. 

Happy weekend!

Loving You Behind The Scene (Bel and Ethan Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon