Ate Bel
Lumipas ang buong summer vacation. Nanatili si Ethan sa Batangas. Tumatawag siya paminsan-minsan pero hanggang doon na lang. Feeling ko gusto niya munang makapagpahinga at makapag-recover sa lahat ng nangyari.
Ayos lang naman na wala siya rito sa Maynila. Mas mabuti na magkalayo kami dahil mas lalo lang akong nahuhulog sa kanya sa tuwing kami ay magkasama. Kailan niya kaya mapapansin na may gusto ako sa kanya? Siguro kapag pumuti na ang uwak.
Huminga ako nang malalim. Nami-miss ko siya. Nami-miss ko siya nang sobra-sobra! Bukas pa raw siya babalik. Pagkatapos ng bukas ay pasukan na nila. Magiging busy na naman ang lahat at sigurado akong mababawasan ang oras namin sa isa't-isa.
Binuksan ko ang gate ng mansion. Pumasok ako at tuloy-tuloy na tumungo sa loob. Narinig kong may masayang nagtatawanan sa sala. Anong meron?
Biglang sumeryoso ang mukha ko nang makita si Nina kaharap si Ethan. Napalunok ako nang makita ang likurang bahagi ng lalaking gustong-gusto kong makita. Hindi nila ako napansin dahil hindi naman ako gumawa ng ingay. Bahagya akong umatras at pinagmasdan ko lang sila.
Napangiti ako habang nakatitig sa magandang tindig ni Ethan. Bagong gupit siya at napakalinis at napakayaman niyang tingnan. Medyo umitim ang kulay ng kanyang balat at mas naging mature ang kanyang itsura.
Gusto kong tumakbo palapit sa kanya at yakapin siya nang mahigpit pero ayokong makaistorbo sa masayang bonding nila ni Nina. After all, kaya kami nagkakilala ay dahil kay Nina. Ang mahalaga nakabalik na siya!
Kontento akong ngumiti at marahang umatras hanggang sa makarating ako sa hagdan. Tahimik akong umakyat at pumasok sa kwarto.
Inilapag ko ang aking bag. Binuksan ko ang cabinet at kumuha ng damit pambahay. Inilapag ko ang damit sa kama. Hinubad ko ang aking sapatos kasunod ang suot kong puting skirt. Tinanggal ko ang butones ng aking white blouse at inililis ito sa aking katawan.
Dinadampot ko na ang aking pambahay nang biglang bumukas ang pinto.
"Why didn't you say you're ho....." Excited na sigaw ni Ethan.
Biglang tumigil ang aking paghinga. Hindi ako nakagalaw. Nanigas ang kamay kong may hawak na damit. Tumingin ako kay Ethan na bigla ring natigilan nang makitang wala akong suot kundi panty at bra.
Nagtama ang aming paningin. Ilang segundo kaming nagtitigan bago siya biglang tumalikod.
-----------------------------------------------
Ethan
Isinara ko ang pinto. Tulala akong napasandal sa pintuan. Hindi mawala sa isip ko ang hubad na itsura ni Ate Bel. Umuulit-ulit sa aking isipan ang malaman niyang katawan, ang malaki niyang mga binti, at ang malulusog niyang dibdib.
Napalunok ako. Bigla akong pinagpawisan nang malagkit. Halos isang buwan rin kaming hindi nagkita at talagang gusto ko siyang yakapin. Sa nakita ko kanina ay hindi lang yakap ang gusto kong gawin sa kanya! Bakit ba kasi hindi ako kumatok!
Ilang minuto akong nanatiling nakatayo at naghihintay. Pumipintig nang mabilis ang puso ko. I'm just too excited to be with her! Sana lumabas na siya!
Naramdaman ko ang pagpihit ng doorknob. Agad akong lumayo at tumayo sa tapat nito. Sumungaw ang ulo ni Ate Bel na para bang tinitingnan niya kung may tao sa labas.
Ngumiti ako nang magtama ang aming mga mata. Nahihiya siyang ngumiti. Namumula ang kanyang mga pisngi. Na-miss ko ang cute niyang mukha.
"Did you lose weight? Inalagaan mo ba ang magiging baby natin?" Biro ko sa kanya. Hindi ko pa rin makalimutan nang sabihin niyang buntis siya at ako ang ama.
BINABASA MO ANG
Loving You Behind The Scene (Bel and Ethan Love Story)
RandomA kind heart, a gentle personality, a true friend, and a good woman- her name is Bel, a not so typical lead imagined in fairy tales. She isn't that gorgeous; she's fat! She isn't ordinary; she is out of this world! She has her own world until she me...