Chapter 58: Not Now!

203 35 11
                                    

Ethan

Tulala akong nakatingin sa salamin habang pinapahiram ng cream ang mga galos sa aking mukha. Nadagdagan pa ang mga pasa mula kagabi dahil sa nangyari kaninang umaga. Napayuko ako sabay dikit ng noo ko sa salamin. Pumikit ako. Ang tanga mo, Ethan! All this time, you are just thinking about yourself. You just want to be happy to serve yourself. Nakalimutan mong may iba pang mundo bukod sa mundo ni Nina at Ate Bel.

How can you be so selfish! How can you not know what's happening in your family. Iminulat ko ang aking mga mata. Tinitigan ko ang aking sarili. Tinitigan ko ang nakakaawa kong mukha. Humugot ako nang hangin. I need to apologize! Lumabas ako ng kwarto. Tumungo ako sa kwarto nila Mom. Kakatok sana ako pero nakita kong nakaawang ang pinto. Nag-aalangan akong sumilip. Nakita ko si Mom na nakaupo sa gilid ng kama habang hinahagod ang buhok ni Dad.

Inilapat ko ang aking palad sa pinto. Papasok ba ako o hindi? Ibinaba ko ang aking kamay. Maybe not the right time. Tumalikod ako. "Ethan?" Rinig kong tawag ni Mom.

Tumigil ako at muling humarap sa pintuan. Tahimik na bumukas ang pinto.

"Do you need anything?" Tanong niya.

Napakagat ako sa aking labi. Napakaamo ng kanyang mukha. Wala itong bahid ng galit o pagkainis sa akin. Ganito ba talaga ang mga ina, kahit anong maling gawin ng mga anak ay hindi nila kayang magalit nang matagal? Hindi pa ako humihingi ng sorry ay parang napatawad na niya ako.

"Mom.." Pag-aalinlangan ko. Namumuo ang luha sa aking mga mata. Ang bigat ng dibdib ko.

"Hey." Bulong niya sabay hawak sa aking pisngi. "I'm sorry, nagalit ako kanina." Dugtong niya gamit ang nangungusap niyang mga mata.

Napatikom ang aking bibig. Bakit siya ang humihingi ng sorry? May isang butil ng luha na pumatak mula sa aking mata. Hinawakan ko ang kamay niya na nasa aking pisngi.

"Please Mom, don't say sorry. I should be the one saying sorry." Bulong ko.

Pinilit niyang ngumiti. "You don't need to." Buong pag-intindi niyang usal.

"Stop that, you're making me feel guiltier." Pilit kong biro kasabay nang pagpatak muli ng aking luha.

Naramdaman ko ang daliri ni Mommy nang punasan niya ang aking pisngi. "Just apologize to your Dad." Payo niya sa akin.

Tumango ako. Hinagod ni Mom and aking likod bago niya ako iniwan sa kwarto. Pagkalabas niya ay isinara ko ang pinto at pumunta sa malaking kama kung saan nakahiga nang maayos si Dad. Nakapikit siya. Umupo ako sa gilid. Unti-unti niyang iminulat ang kanyang mga mata. Huminga siya nang malalim.

"Does it still hurt?" Nag-aalala kong tanong.

Ngumiti siya. "I'm fine, son." Simple niyang sagot. Ngumiti ako. Hinawakan ko ang kamay niya.

"Dad, I'm sorry." Buong puso kong bulong habang nahihiyang nakatingin sa kanya. Ipinatong niya ang isa niyang kamay sa ibabaw ng kamay kong nakahawak sa kanya. Ngumiti lang siya at hindi kumibo.

"Dad, sorry talaga. I should have been more considerate." Dugtong kong bulong.

Tinapik niya ang kamay ko. "If you really want to go home, then go." Walang tampo niyang sabi.

Napayuko ako. Malungkot ang mukha kong napaisip. I can go now if I want to, but it's not the right thing to do. Hindi ako umimik. How can he let me go despite of his condition?

"Your Mom and I realized that we might have been a little too selfish- forcing you to come here kahit ilang beses mo nang sinabing ayaw mo. You've been a very good son, Ethan; you don't deserve to be unhappy." Nanghihina niyang dugtong.

Loving You Behind The Scene (Bel and Ethan Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon