Chapter 71: Her End!

176 29 8
                                    

Ethan

Napabuntong-hininga ako. Akala ko talaga katapusan ko na. Natuwa ako nang makita si Reyden kasunod ang isang babaeng nakaitim na humampas kay Meridith. Mas lalong gumaan ang pakiramdam ko nang makita si Jenny. Buti na lang at ligtas siya!

Umupo si Ate Bel sa aking harap.

"Ethan." Nag-aalala niyang tawag sa aking pangalan.

"I'm fine." Agad kong sabi para maibsan ang kanyang pag-aalala. Napadako ang tingin ko sa kanyang braso na puno ng galos. May kumurot sa puso ko nang makita ang mukha niyang may mga pasa.

Damn it! She's hurt.

Tumili si Jenny! Nanlaki ang mga mata ko nang bumangon ang pugot na katawan ni Lee. Fuck! Mas masahol pa ito sa mga napapanood kong zombie movies! Agad akong tumayo. Napaatras kaming lahat.

"Find the red crystal!" Sigaw ng babaeng nakaitim bago niya harapin si Meridith na nakabangon na naman.

Anong red crystal? Saan namin hahanapin iyon!

"What about the red crystal?" Si Nina ang nagtanong ng tanong siguro naming lahat.

"They're using red crystals to remain in the body! We need to take that out!" Sagot ni Reyden.

Hindi na ako nakapag-isip nang lumakad si Lee patungo kay Ate Bel. Wala talaga siyang balak tigilan ang mahal ko! Tumakbo ako at dinamba siya bago pa siya makalapit. Bumagsak kaming dalawa sa sahig.

"This is really gross!" Sigaw ko nang makita ang nakakadiri niyang leeg. Sinubukan kong pigilin ang kanyang mga kamay pero nakawala pa rin siya. Pagtayo namin ay dumapo ang suntok niya sa aking mukha na agad kong ikinatumba. Shit!

Sumugod si Reyden. Tumayo akong muli sa kabila ng sakit na aking iniinda. Sumugod ako para tulungan si Reyden. Ilang beses pa akong natamaan. Hinihingal na ako at nanghihina. Paano ba talaga siya mamamatay nang tuluyan.

Bumagsak si Reyden sa sahig. Damn it!

"Ethan! Sa loob ng dibdib niya!" Sigaw ni Ate Bel.

Anong sa dibdib? Mariin kong pinagmasdan ang dibdib niya at naaninag ang kumikinang na pulang bato. Red crystal? "Reyden! Hawakan mo siya!" Sigaw ko.

Pinahid ko ang tumutulong dugo mula sa aking labi. Tsumempo si Reyden sa likuran ni Lee. Nang mai-lock niya ang mga balikat nito ay sumugod ako palapit at diretdong itinama ang aking kamao sa sugat sa dibdib ni Lee. Ibinaon ko pa ang aking kamao.

"Fuck!" Sigaw ko. Nakakadiri!

Naglupasay ang katawan ni Lee.

"Faster!" Sigaw ni Reyden dahil nahihirapan na siyang hawakan ang katawan.

Naramdaman ko ang pagkasugat ng aking kamay nang gumasgas ito sa buto. Shit! Masakit!

Hindi ko pa naaabot ay napansin kong nakakawala na naman si Lee. Napangiti ako nang makita si Ate Bel at Nina na lumapit at tumulong para pigilan ang pagwawala ni Lee.

Naramdaman ko ang bato at agaw ko itong hinawakan.

"Got it!" Sigaw ko sabay hatak sa aking kamao palabas sa dibdib ni Lee. Napangisi ako nang makita ang nakakadiring itim na itim na likido na nakapalibot sa aking kamay. Kadiri talaga!

"Drop it!" Sigaw ni Jenny na nasa sulok.

Agad kong binitawan ang kristal na bumagsak sa sahig. Unti-unting nawalan ng lakas ang katawan ni Lee. Napaatras kaming lahat. Napalunok ako nang makita ang unti-unting pagkaagnas ng katawan ni Lee. My God! Pinaspas ko ang aking kamay

Loving You Behind The Scene (Bel and Ethan Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon