Ate Bel
"The title says the property is in Pangasinan, and we're here!" Sabi ni Ethan sabay tigil ng sasakyan sa tapat nang napakalawak na taniman.
Diskumpiyado ko siyang tinitigan. "Ano, iaabot natin ang titulo sa mga palay?" Sarkastik kong biro.
Inismiran niya ako. "Pwede naman, malay mo mabuhay sila at tanggapin yang titulo." Ganti niyang biro sabay tawa.
Napangiti ako. Gustong-gusto ko kapag tumatawa at ngumingiti siya. Bumaba siya ng kotse. Bumaba rin ako. Ang ganda ng pantay-pantay at umaalon na berdeng palayan sa tuwing umiihip ang mainit na hangin. Kung meron lang akong ganitong lupain, okay na akong maging haciendera!
"There must be something here! A barn, a mansion, a storage, or anything. The crops are very well taken cared of, so may nag-aasikaso sa property na ito." Sabi ni Ethan.
Tumanaw ako sa paligid. Puro tanim at mga puno ang nakikita ko. "Baka nasa dulo, Ethan. Punta pa kaya tayo roon." Sabi ko sabay turo sa mga natatanaw kong burol.
"Okay, get in!" Sabay kaming pumasok ng kotse at muli na itong pinaandar ni Ethan.
Makalipas ang ilang minuto ay inapakan niya ang breaks. "Dead end." Balita niya sabay tingin sa akin.
Sinipat ko ang kalsada. Putol nga ito at pathway na lang ang nasa unahan.
"Anong gagawin natin?" Nanlulumo kong tanong.
"Go back." Kibit-balikat niyang sagot.
Nagmaniubra siya at muling tinahak ang daan pabalik. Hindi pa kami nakakausad ay may isang lalaking humarang sa kalsada. May edad na ito at may kaliitan ang katawan. Pansin na pansin ang namumuti nitong bigote at balbas na hindi naman kahabaan.
Bumusina si Ethan pero hindi umalis ang matanda sa gitna ng kalsada. Ilang beses pa siyang bumusina pero wala talaga. May problema ba sa pandinig ang lalaking iyon?
"What the hell is his problem?" Nakukunsuming sabi ni Ethan sabay kamot sa ulo niya.
"Relax ka lang, huwag mong patulan ang matanda, baka bingi!" Saway ko sa kanya. Minsan hindi niya napapansin ang pag-init ng ulo niya na nahahalata sa pagsingkit ng kanyang mga mata.
"Hindi naman siguro siya bulag, di ba!" Dugtong niya.
Napangiwi ako. Mukhang hindi naman talaga bulag ang matanda dahil nakatingin ito sa aming kinaroroonan. Tinanggal ni Ethan ang seatbelt niya.
"Anong gagawin mo?" Bigla akong nag-alala dahil hindi namin kilala ang matandang nasa labas.
"I'll just talk to him para makadaan tayo." Mahinahon niyang sabi sabay kindat sa akin. Bumaba siya ng sasakyan. Mataman ko siyang pinagmasdan hanggang sa ilang dipa na lang ang layo niya sa matandang nakaharang sa daan. Tumahip ang dibdib ko sa kaba ng ilabas ng matanda ang nakatago niyang kamay sa kanyang tagiliran.
May hawak siyang baril na itinutok niya kay Ethan. Wala pang segundo ang lumipas nang lumabas mula sa mga puno sa magkabilang gilid ng kalsada ang tatlong matitipunong lalaking mga naka-cowboy hat na pawang mga nakahawak ng shot gun. Nakatutok ang mga baril nila kay Ethan.
Diyos ko po! Anong gagawin ko? Nanginginig ang mga kamay kong inalis ang aking seatbelt. Hindi na ako nag-isip at binuksan ko ang aking pintuan at mabilis na lumabas ng kotse.
"No, please!" Sigaw ko na pumukaw sa atensyon nilang lahat.
Biglang itinutok ng isang lalaki ang shotgun sa akin sabay kasa. Napataas bigla ang aking mga kamay sa ere. Nabalot ng takot ang mukha ni Ethan.
BINABASA MO ANG
Loving You Behind The Scene (Bel and Ethan Love Story)
DiversosA kind heart, a gentle personality, a true friend, and a good woman- her name is Bel, a not so typical lead imagined in fairy tales. She isn't that gorgeous; she's fat! She isn't ordinary; she is out of this world! She has her own world until she me...