Chapter 16: Getting Worse!

294 32 6
                                    


Ate Bel

Wala sa sarili kong ibinaba ang aking handbag sa kama. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang sinabi ni Montalban kanina. Nagkataon lang ba o may kakaiba talaga sa kanya? Sa dami ng tao sa mundo, paanong pati ang batang hinahanap namin ay kilala niya?

Sinabi niyang si Kulot ay apo ng isang babaeng nagtitinda ng isda sa palengke. Namatay ang bata 6 months ago. Tama lang naman dahil bigla na lang sumulpot ang kaluluwa ng bata sa intersection.

Namamalikmata lang ba ako? Baka naman hindi si Kulot ang batang nakita ko. Pero paano ko maipaliliwanag ang nangyayari sa akin? Ang batang iyon lang naman ang hinawakan ko bago mangyari ang ganito.

Pinagmasdan ko ang aking kamay. Ramdam ko pa rin ang kuryenteng dumaloy dito nang hawakan ko ang bata. Anong gagawin ko? Paano ko mahahanap ang isang taong patay na? Paano ko ibabalik sa normal ang aking katawan?

Napadako ang tingin ko sa walang imik na si Nina na nakaupo sa harapan ng kanyang study table. Kanina pa siya tahimik simula nang umalis kami sa bahay nila Ethan.

"Nina, okay ka lang?" Nag-aalala kong tanong.

Tumingin siya sa akin. "Ate Bel, bakit hindi ako nakita ni Reyden?" Nagugulumihanan niyang tanong.

Nagsalubong ang kilay ko sabay lunok nang malalim. Napatayo ako! Oh my God!

"Im so sorry! Masyado akong hyper dahil sa nangyayari sa akin. Hindi ko naisip na makikita ka ni Reyden kapag hinawakan niya ako!" Naibulalas ko habang palapit sa kanya.

"It's alright, Ate Bel, he didn't see me. Kung nakita niya ako, he should be asking a lot of things by now." Malungkot niyang sabi.

"We need to be sure. Tatawagin ko si Ethan!" Sabi ko sabay labas ng kwarto.

Pagkatapos sa prisinto ay umuwi kami rito sa mansion. Nasa ibaba sila Ethan at Reyden na wala pang balak umuwi sa kani-kanilang bahay! Tinawag ko si Ethan at bumalik kami sa loob ng kwarto.

"Why?" Nagtataka niyang tanong.

Inalis ko ang gwantes sa aking kamay. "Hold me!" Utos ko sa kanya.

"Ano na naman ang binabalak mo?" Nagdududa niyang tanong.

"Please." Paki-usap ko sabay hablot ng kanyang kamay.

Nagkatitigan kaming dalawa.

"Now what?" Tanong niya.

"Nakikita mo ba si Nina?" Tanong ko. Sabay kaming lumingon sa kinauupuan ni Nina.

Kunot ang noo niyang tinitigan si Nina. "I can't see her! I can only see Celine! What's happening?" Nagugulumihanan niyang tanong.

Nakita kong gumihit ang pangamba sa mukha ni Nina.

"But, Ate Bel, you can see me, right?" Mangiyak-ngiyak niyang tanong.

Tumango ako. Inalis ko ang gwantes sa aking kaliwang kamay. Agad akong lumapit kay Nina at niyakap siya. Dapat humiwalay ang kaluluwa nila ni Celine sa katawan katulad ng nangyari noon.

Walang nangyari! Anong nangyayari? Bakit hindi gumagana? Ipinikit ko ang aking mga mata at inisip na gusto kong ipakita sa kanya ang aking nakikita, pero wala pa rin.

Pinanghinaan ako ng loob at agad na bumitaw sa kanya. Wala kaming imik na tatlo habang nakatitig lang sa isa't-isa. Ano ba talaga ang nangyayari? Hindi ko na gusto ito!

"Let's relax; let's not panic!" Si Ethan ang bumasag sa katahimikan. Naramdaman ko ang paghagod ng kamay niya sa aking likuran.

"Nandito pa naman ako, di ba?" Nag-aalangang tanong ni Nina.

Bumuntong-hininga si Ethan. "Ano bang nangyayari sa inyo! Look Nina, si Ate Bel ang may problema at hindi ikaw! You surely are here and you are definitely not Celine! Now is not the time to worry about your existence!" Payo ni Ethan.

Napatingin ako sa seryosong mukha ni Ethan. Minsan lumalabas din ang utak niya. Sana dalas-dalasan niya ang pag-iisip kaysa sa pang-aalaska.

"Akala ko talaga makikita niya ako." Pabulong na sabi ni Nina.

"Who? Si Reyden?" Tanong ni Ethan kay Nina sabay kamot sa ulo niya.

Tumango si Nina.

"Ang gulo mo rin ano, ayaw mong sabihin sa kanya na multo ka tapos umaasa ka palang makikita ka niya!" May pagkasarcastic na sabi ni Ethan.

Napangisi ako. Ewan ko ba kung nananadya o hindi ang mokong na ito. "Tama na 'yan, tigilan mo si Nina. Pabayaan mo siya kung kailan niya ipagtatapat kay Reyden ang totoo." Sita ko sa kanya.

Alam kong matagal nang gusto ni Ethan na malaman ni Reyden ang tunay na pagkatao ni Nina pero wala naman kaming karapatang makialam sa desisyon ni Nina.

"Sasabihin ko rin sa kanya, huwag kang mag-alala." Malungkot na sabi ni Nina na bumalik sa kanyang pagkakaupo.

Bumuntong-hininga ako.

--------------------------------------------

Ethan

Bakit ganito ang pakiramdam ko? Kakaiba! Ang init! Tinanggal ko ang comforter na nakakumot sa akin. Umupo ako sa kama at hinubad ang suot kong t-shirt sabay punas nito sa pawisan kong mukha. Hindi ako makatulog dahil pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin.

Bumangon ako. Alas dos pa lang ng madaling araw. Bigla kong na-miss si Ate Bel. Magkasama kaming matulog dito sa aking kwarto nitong huling linggo pero ngayon ay nasa mansyon na siya kasama si Nina. Sana pala nakitulog na lang ako sa mansyon. Bakit ba kasi naisipan ko pang umuwi kahit na alam kong wala naman akong kasama rito kundi ang mga katulong.

Bumaba ako at nagtungo sa kitchen.Binuksan ko ang ref at kumuha ng malamig na tubig. Napatingin ako sa bintana ng may marinig akong mahinang kalabog. Pusa lang siguro.

Nilagok ko ang tubig hanggang sa halos maubos ang laman nito. Pagkasara ko ng ref ay narinig ko ang mahinang ungol galing sa labas. Napalunok ako ng wala sa oras. Muli akong tumingin sa bintana. Nakita ko ang paggalaw ng kurtina. Biglang nabuhay ang kaninang lulugu-lugo kong diwa.

Kinakabahan ako! Paano kung may multo! I need to be brave! Mag-isa lang ako rito at wala si Ate Bel. Baka naman napa-paranoid lang ako dahil ilang araw ko ring kasama si Ate Bel at hindi ko naman maiwasang hindi madikit sa kanya. Natatakot lang siguro ako dahil kung anu-ano ang nakikita ko nitong mga nakaraang araw.

Marahan akong naglakad palapit sa bintana. Hinawakan ko ang kurtina at bahagya itong hinawi. Napasinghap ako nang makita ang isang anyo ng babaeng kulay itim. Lalong nanlaki ang aking mga mata nang ngumisi ito at tumitig sa akin. Shit!

Nanginginig ang mga kamay kong binitawan ang kurtina. Napapitlag ako sabay sigaw nang may humawak sa aking balikat.

Dumapo ang isang batok sa aking ulo.

"Ano ka bang bata ka! Bakit gising ka pa!" Boses ni Ate Lyn.

Napahinga ako nang maluwag. Hinihingal akong humarap sa kanya. Pinilit kong ngumiti.

"Ate Lyn naman eh! Kung makapanggulat ka, wagas!" Nakangiwi kong sabi.

"Naku, ako pa ang nanggulat samantalang kanina pa ako nakakarinig ng ingay mula sa labas- ikaw lang pala!" Sabi niya sabay switch-on ng ilaw.

Pero kabababa ko lang! Huwag niyang sabihing pati siya ay minumulto? Sasabihin ko sana sa kanya na hindi ako ang gumagawa ng ingay pero minabuti kong sarilinin na lamang. Hinawi kong muling ang kurtina. Wala na ang multo.

---------------------------------

"Bakit para kang puyat?" Tanong ni Ate Bel with matching taas ng kilay.

Alas-sais pa lang kanina ay nagmamadali na akong umalis ng bahay para pumunta sa mansyon. Hindi talaga ako nakatulog dahil sa takot at kaba. Nakatalukbong ako buong magdamag dahil pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin. Hindi naman ako nakakakita ng multo kaya nakapagtatakang nakita ko ang babaeng iyon kagabi! Epekto ba ito ng nangyayari kay Ate Bel? Nahawa na ba ako!

-----------to be continued-------------

see u again tomorrow!  Hope u are still enjoying the story! 😊

Loving You Behind The Scene (Bel and Ethan Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon