Chapter 11: Not A Ghost!

318 36 10
                                    


Bel

Tumayo ako nang makita ang kotse ni Ethan na parating.

"Ayiee, nandyan na ang sundo!" Kinikilig at nang-aalaskang sabi ni Len, isa sa mga kasama kong nurse sa trabaho.

"Inggit ka lang, walang sumusundo sa'yo." Pang-aalaska ko pabalik.

Kunwari siyang napabusangot. "Magkakaroon din ako, antay ka lang. In the future ang susundo sa akin ay boyfriend ko at hindi lang friend!" Ganti niya dahil alam niyang hindi ko naman BF si Ethan.

Napangisi ako. Bwisit na babae ito, maka-friend wagas! Tanggalin ko kaya kuko niya sa kamay nang matauhan. "At least ako my friend na sumusundo, ikaw kahit friend wala!" Banat ko sabay tawa.

Natawa rin ang bruha. Sanay na kaming dalawa na asarin ang isa't-isa dahil hindi nagkakalayo ang hubog ng aming katawan, mas payat nga lang siya ng konti, as in konti lang!

"Sige layas na!" Nakalabi niyang sabi sabay taboy sa akin.

"See you tomorrow. Huwag mong kalimutang magsuklay ng buhok, mukha ng bird's nest yang ulo mo!" Biro ko bago ako tumatawang naglakad papunta sa nakatigil na kotse ni Ethan.

"Hi!" Maaliwalas ang mukha na bati ni Ethan pagkaupo ko sa kanyang tabi.

"Hi! Kumusta?" Malambing kong tanong.

Simula nang makabalik kami rito sa Maynila ay medyo binawas bawasan ko ang pang-aasar at pagtataray sa kanya. Gusto ko siyang pasalamatan sa pagsama at pagtulong niya sa akin na maibalik ang titulo sa taong nagmamay-ari nito.

"Ang bait mo yata ngayon, anong nakain mo? Busog ka ba at hindi ka nagtataray?" Pang-aasar niya.

Napahilot ako sa aking sintido. Gusto kong magpakabait at lambingin siya para makabawi man lang pero kapag ganitong uunahan niya ng pang-aasar ay talagang hindi ko siya uurungan. Kinalma ko ang aking sarili. Pangatawanan mo namang magpakabait Bel kahit ilang oras lang!

"Masaya lang ako, saan mo gustong kumain?" Malambing ko pa ring yaya sa kanya.

Nagsalubong ang kanyang kilay na parang hindi siya makapaniwalang hindi ko siya inaaway.

"Ate Bel—" Sabi niya sabay sipat ng aking noo. "May lagnat ka ba? May nangyari bang kakaiba sa'yo? Hindi ako sanay na nanlilibre ka, kuripot ka kaya!" Patuloy niyang pang-aasar.

Ipinikit ko ang aking mga mata. Anong kuripot ang pinagsasasabi niya? Isa pa Ethan, makakatikim ka na talaga sa akin!

"Ayaw mo ba? Hindi ka ba nagugutom?" Mabait ko pa ring tanong.

Napangiti siya. Sinuri niya ang kabuuan ng aking mukha. Napalunok ako. Bakit ba ang lagkit niyang makatingin? Bumibilis ang tibok ng puso ko sa titig niya.

"Sana parati kang mabait." Maamo at seryoso niyang sabi habang nakatitig pa rin sa akin.

Hindi ako nakaimik. Ilang segundo akong na-estatwa. Ayokong maging mabait sa kanya dahil mahahalatang gusto ko siya.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Alam mo, ang dami mong daldal! Gusto mo bang kumain o hindi?" Nagtataray kong tanong.

Napakamot siya ng ulo. "Sabi na nga ba, may expiration 'yang kabaitan mo!" Gatong niya sabay tapon ng pabirong irap.

"Ang tagal mo kasing sumagot, expired na ang offer ko. Tara na, ilibre mo na ako, nagugutom na ako." Demanding kong utos.

Tumawa siya. "Ayan, ganyan talaga ang tunay mong kulay! Di mo bagay magpakabait!" Biro niya sabay apak sa accelerator ng kotse.

Loving You Behind The Scene (Bel and Ethan Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon