Chapter 45: I Trust You!

232 31 11
                                    

Ethan

Nagugulahan kong tiningnan si Ate Bel. Anong nangyari rito?

"No, hindi ako! Pinukpok niya ang sarili niya!" Ulit niyang depensa.

Napakunot ang noo ko sabay tingin sa noo ni Conney na dumudugo. Tumayo ako at agad na kumuha ng bimpo. Inilapat ko ito sa kanyang noo at diniinan para maampat ang pagdurugo.

Napatingin ako kay Ate Bel na parang estatwa sa kanyang kinatatayuan. "Aren't you going to help? You're a nurse." Sabi ko sa kanya.

Nakita kong nagdilim ang kanyang mukha. "Hindi niya kailangan ng tulong! She did that to herself! Dalin mo siya sa mental hospital!"

Napaawang ang bibig ko. Hindi ako makapaniwala sa kanyang sinabi. Sa tagal naming magkasama ay ngayon lang siya tumanggi sa pagtulong sa iba.

"Magsama kayong dalawa! Kung ayaw mong maniwala, bahala ka! Ayoko nang makita mga pagmumukha niyo!" Mapait at galit niyang sabi sabay talikod.

Lalong napaawang ang bibig ko. Hindi ko naman siya pinagbibintangan! Hindi ko naman sinabing siya ang may gawa nito kay Conney.

"Ate Bel!" Sigaw ko. Tatayo na sana ako para habulin siya pero hinawakan ni Conney ang aking kamay.

"No, Ethan! She's not the woman you think she is. I already apologized, yet she insisted that I pay her. She wants me to give her money para hindi na siya maghabol sa'yo!" Sabi ni Conney.

Napangisi ako. Ate Bel won't do that! Buong pwersa kong binawi ang kamay ko sa pagkakahawak ni Conney. "Liar!" Nanggigigil kong bulong.

"Why would I lie?" Tanong niya. Puno ang mga mata niya ng pagmamakaawa.

Lumapit ako sa center table. Kinuha ko ang nakapatong kong cellphone sa mesa. Binuksan ko ito at itinaas ang volume. I turned on the recorder bago ako lumabas kanina. Conney already fooled me once, I can no longer give her the opportunity to fool me again!

Inihinto ko ang recording at sinave ito. Plinay back ko ang file at itinapat sa harapan ni Conney.

Bel, you should know by now na ako ang pinili ni Ethan."

"Ethan and I are going to get married in Japan. I want you out of the picture. How much do you need para mawala ka sa buhay namin ni Ethan? I can also send you money para sa panggastos niyo ng magiging anak mo."

"I'm sorry, Ethan doesn't want to tell this to you directly kaya ako na lang ang magsasabi. Just look at us; Ethan won't ever choose you against me. Tingnan mo nga ang sarili mo, no man would want you to be their wife. Walang mapapala sa'yo si Ethan."

Napatiim-bagang ako sa aking narinig. Puro boses ni Conney ang nasa recording. Nagngangalit ang panga ko sa sobrang inis. Tulala at hindi makapaniwalang nakatingin sa akin si Conney. Wala siyang masabi dahil wala naman na siyang maipagkakaila!

"Huhh! Nice move! I can't believe this! You're crazy; you really are! I have given you a chance tapos ganito lang ang gagawin mo! You're pathetic! Ganyan ka na ba kadesperada para gumawa ng kwento!" Sumbat ko sa kanya.

"Ethan.." Halos walang boses ang lumabas sa kanyang bibig.

"Enough of your lies! Don't ever dare call me again! Our friendship ends right now! Nakakaawa ka!" Mariin kong sabi sabay talikod sa kanya.

"Ethan, please..." Pakiusap niya sabay iyak.

Damn her! Ang galing niyang umarte!

"By the way, I already called your mom and dad. I told them everything! Tinulungan na kitang magtapat sa kanila; now it's your turn to face your problem! Huwag kang duwag, hindi mo bagay!" Gigil kong sabi sabay labas ng condo.

Loving You Behind The Scene (Bel and Ethan Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon