Chapter 1

6.1K 145 5
                                    

Hello po my dearest reader........=_=

Hope magustuhan mo po ang story na binabasa....

Medyo samantalahin ko na rin ang chance na to ha...after ma view paki vote na rin..*^o^*... (*^__^*)

Heto pa po ang list ng mga stories na nagawa ko....... baka po magustuhan nyo i try..... (*^__^*)

Pglalakbay- medyo drama [completed]

Mga kwento ni ajeomma book 1 (writer)- mystery/suspense [completed]

Mga kwento ni Ajeomma book 2 (imahinasyon)- fantasy/romance [completed]

The Untold Real Stories- mystery/suspense [completed]

The Untold Real Stories part 2- mystery/suspense [completed]

Will you love me again?- romance [completed]

Panty Hunter- sex/comedy [on going]

Coming soon:

Kikay is da Name

Gabi ng lagim

Salamat po ng maraming marami!..

#ajeomma

Meet mo po muna ang mga characters natin...

Senyor Fernando- ang mabait na biyudong ama ni Gavin. Ang nagmamay-ari ng "hindi maliparan ng uwak" na lupain sa Kabisayaan at kilala bilang Hacienda Hermosa.

Mang Oca- matalik na kaibigan ni Senyor mula pa pagkabata at katiwala sa Hacienda Hermosa. Ama ni Elena.

Aling Estella- butihing maybahay ni Mang Oca. Ina ni Elena.

Iris- ex girlfriend ni Gavin.

Let-let- tatlong taong gulang na apo ni Senyor. Nag iisang anak ni Gavin.

Gavin- solong tagapagmana ng buong Hacienda.

Elena- ang maganda, masayahin at masipag na dalagang kinausap ng Senyor na magpaibig kay Gavin.

Umpisahan na po natin tunghayan ang kanilang kasaysayan......

Napakalakas ng bagyong tumama sa buong kabisayaan. Maswerte na nga lang at ilang oras lang nanalanta ang napakalakas na hangin na may kasamang pag ulan.

Abalang abala si Senyor at Mang Oca sa pagtulong sa mga tauhan ng Hacienda sa pagkukumpuni ng mga nasirang kwadra ng mga kabayo. Marami rin sa mga puno ng mangga ang nasalanta pati ang mga bunga na malapit na sanang anihin. Ganun din ang mga palayan at gulayan.

Malungkot na napa upo si Mang Oca sa labis na panghihinayang. Matagal nilang inalagaan ang mga pananim upang maganda ang maging ani ngayon anihan.

"Wag ka masyadong malungkot Oca, mabuti nga at walang napahamak sa ating lahat. Matapos nating ayusin ang lahat ng nasira ay maaari uli tayong makapag simula muli.", mababang loob na sabi ni Senyor.

"Tama ka Fernando, kaya lang ay inaalala ko ang malaking halaga na nasayang.", sabi ni Mang Oca.

Mula pa noon ay hindi pumayag si Senyor na tawagin siya ng kaibigan bilang senyor. Fernando lang ang gusto nitong itawag sa kanya ng kaibigang si Oca at ng asawa nitong si Estella.

Tinapik ni Senyor ang balikat ni Oca.

"Tayo na!..nagpahanda ako ng merienda kay Mameng. Kumain muna tayong lahat.", aya ni Senyor,.

"Mga kasama inaanyayahan tayong lahat ni Senyor mag merienda., tayo na!.", tawag ni Oca sa mga kasamang masisipag na tauhan ng Hacienda,.

At magka akbay na naglakad ang magkaibigan.

Kapamilya kung ituring ng senyor ang mga tauhan. Kundi dahil sa kasipagan at katapatan ng mga ito ay hindi niya masisinop ang haciendang minana sa mga yumaong magulang.

"Tama ka Oca, malaking halaga ang nasayang. Subalit alam kong hindi ninyo pababayaan ang Hacienda, alam kong hindi ninyo ako pababayaan.", bulong ni Fernando habang pinagmamasdan ang mga tauhan na nagsisimula ng kumain.

Lumapit ang Senyor sa nagkakainang mga tauhan at sumalo na sa kanila.

"Hayaan nyo po Senyor, mas magsisipag po kami.", sabi ng mga tauhan.

"Maraming salamat sa inyong lahat!.", tumingin ang senyor sa nakangiting kaibigan.

"Salamat Oca!.", mahinang sabi niya.

Hidden Agenda: Paibigin kaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon