Chapter 40 (kaibigan)

1.4K 75 2
                                    

Hindi tumigil ang tatlong pinsan ni Gavin hanggat di pumapayag si Elena na lumusong sa tubig. Nagkakatuwaan ang mga ito habang nagsasabuyan ng tubig. Maya maya ay nilapitan ni Elena ang nagmumukmok na si Irish. Napasunod naman ng tingin ang magpipinsan sa dalaga.

"Halika dun, Irish. Wala akong kasama eh.", aya ni Elena.

"Hmp!... kayo kayo na lang.", sagot nito. Nang akmang aahon na ito ay bigla itong binuhat ni Robbie pasampa sa balikat.

"Ay!...", sigaw ni Irish habang pumapasag.

Inaakap ito ni Robbie at isinabay sa paglubog. Nang makaahon ay pinaghahampas ni Irish si Robbie na biglang tumakbo. Hinarang naman ito ni Jerome kaya inabutan ni Irish. At pinagtulungang ilublob sa tubig. Maya maya lang ay malakas na ring tumatawa si Irish. Kinawayan pa nito si Elena na agad namang lumapit. Nagkampihan ang dalawang babae laban sa kakulitan ng tatlong pinsan ni Gavin.

Nang mapagod ay umahon si Irish at Elena. Magkahawak pa ng kamay ang dalawa habang nagku kwentuhan.

"Hindi ka ba nagagalit sa akin, Elena?", tanong ni Irish na ikinasamid ng tinanong.

"Yung totoo?", balik tanong ni Elena.

Tumango si Irish habang nakatingin pa rin sa apat na lalaking nagkakatuwaan sa tubig.

"Medyo antipatika ang dating mo sa akin kaya naisip ko na sana ay matapilok ka o kaya ay mahulog ka sana sa kabayo.", matapat na sagot ni Elena.

Ang lakas ng tawa ni Irish ng matapos marinig ang isinagot ni Elena sa tanong nya.

"I'm beginning to like you, Elena", natatawa pa ring sabi ni Irish.

"Ang dami kong kaibigan na alam kong galit sa akin, pero kapag kaharap ako ay nagkukunwaring gustung gusto ako, pero ikaw.", sabi ni Irish na unti unting nawala ang ngiti sa mga labi.

"Pasensya ka na Irish kung nasaktan kita sa sinabi ko, di..'', di na natapos ni Elena ang sasabihin dahil nagsalita na si Irish.

"Totoo ka lang Elena, di kagaya ng mga kaibigan ko sa manila. Plastic!... kaya natuto din akong makipag plastikan sa kanila.", madamdaming pahayag ng dalagang moderna.

"Grabe naman sila, wag mo na silang gawing kaibigan kung ganun lang. Dibaleng konti lang ang mga kaibigan mo basta totoong kaibigan na magmamalasakit at makakaramay mo hanggang sa huli.", madamdamin na rin ang sagot ni Elena.

"Papayag ka ba na maging kaibigan ko?", sinserong tanong ni Irish.

"Karangalan para sa isang probinsyanang tulad ko ang maging kaibigan ka, Irish.", sinsero din na sagot ni Elena.

"Kahit ganito ako manamit, kumilos at magsalita?", tanong uli ni Irish.

"Eh ako, kung pupunta ba ako ng maynila tapos kagaya ng suot ko kanina ng sunduin nyo ako ang itsura ko , friends pa rin tayo?", tanong ni Elena na pinalungkot ang mukha at lumabi pa.

Natawa si Irish sa itsura nito...

"Pwede pahiramin na lang kita ng damit ko?", kunwang paawa rin nito.

"Okay sige, wag lang masyado maigsi at saka labas ang likod ha. Sipunin ako eh.", kunwang seryosong sagot ni Elena.

"Deal!", si Irish.

"Deal!", si Elena.

At masayang nagyakap ang dalawang babae.

Nahinto naman sa paghaharutan ang tatlong magpi pinsan ng makita nilang nakatayo lang si Gavin. Sinundan nila ng tingin ang tinitignan nito.

"Mukang nagkasundo na ang dalawa ah.", sabi ni Luis.

"Ang galing ni Elena magpaamo no, hindi lang tayo ang nagawa nyang paamuin. Pati ang wild cat na si Irish ay maamo na rin.", nakangiting komento ni Robbie.

"Kaya hindi na kami nagtataka kung bakit masaya ka na dito sa Hacienda. Siguradong si Elena ang dahilan.'', sabi ni Jerome na umakbay pa kay Gavin.

"Ang drama mo!'', sigaw ni Robbie sabay hila. Bumagsak ang dalawa sa tubig kaya dumagan na rin si Gavin at Luis sa mga ito.

"Guys!... kain na muna tayo!'', sigaw ni Irish, habang hinahanda ang pinggan nila ni Elena.

Hidden Agenda: Paibigin kaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon