Chapter 24 (hija)

1.4K 74 2
                                    

"Papa, may napansin ako ditong mga papeles ng deed of sale. Bahagi na pala ng Hacienda Hermosa ang lupain ng mga Samaniego?", humahangang tanong ni Gavin habang nakatingin at inililipat ang bawat pahina ng papel na hawak.

"Oo hijo, magta tatlong taon ng sa atin ang lupain nila. Nag migrate na ang buong mag anak sa London. Madaming nais bumili ng lupain na yan, subalit sa atin ipinagbili ni Don Emanuel dahil nais niyang mapreserba ang natural na ganda ng lugar. Kung sa iba mapupunta ay baka daw mapabayaan dahil sa makabagong teknolohiya.", paliwanag ng Senyor habang patuloy ito sa pagbabasa ng pang umagang pahayagan.

"Hindi ko alam na pag aari na pala ng Hacienda ang lupain na yon. Hindi naman nababanggit ni Mang Oca sa akin. Natatandaan ko pa noon.. Gustung gusto kong makapunta dun.

Ayon kay Mama ay may nagbabantay daw na malupit na Engkantada sa Hacienda Samaniego kaya marami ang natatakot na magawi doon dahil nawawala daw na parang bula ang bawat pumasok sa loob at hindi na natatagpuan uli. Kaya di ko na ginusto ang lugar na yon.. malaki na ako ng malaman kong nilikhang kwento lang pala iyon ng Mama para takutin ako'', natatawang sabi ni Gavin.

Naikot mo na ba ang lugar Papa?", tanong ni Gavin.

"Oo hijo, napakaganda. Iniisip ko nga mag alaga ng mga baka dahil malawak at maraming mga damo sa duluhan. Nabanggit ko na sa iyo ang tungkol sa pagkakabili natin sa lupain nila. Marahil ay nakalimutan mo lang.", sabi parin ng matandang Senyor.

"Maaari nga Papa. Madami siguro akong inaasikaso ng mga oras na yun kaya siguro di ko na masyadong naintindihan ang magandang balitang mo Papa.

Mamaya ay pupuntahan ko ang lugar Papa… titignan ko kung posible nating maumpisahan agad ang plano mong bakahan.", excited na sabi ni Gavin.

Tumango tango ang Senyor.... pagkatapos ay nangiti.

Tagumpay ang naisip niya... kailangan na lang na makaisip si Elena ng paraan upang mapansin ni Gavin.... Elena, paghusayan mo hija!

Hidden Agenda: Paibigin kaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon