Chapter 21 (magdadalawang salita)

1.5K 77 1
                                    

Nakatanaw na naman si Gavin sa malayo. Pinanindigan niya ang di na pag inom ng alak. Unti unti ay bumabalik na ang kulay niya na naging maputla mula ng maospital. Bagaman at nagagawa niya ang tumawa ay nananatili ang nararamdaman niyang lungkot kapag nag iisa. Siya man ay naguguluhan sa kanyang sarili. Hindi niya alam kung saan nanggagaling ang lungkot at kahungkagan na nararadaman.

Muli niyang nilanghap ang pang umagang hangin na nagmumula sa bukid. Nakasakay siya sa paborito niyang kabayong si Brutus. Hinila niya ang renda at pinitik ng paa ang tagiliran ni Brutus.....

Hiyah.... , muling tumakbo ang kabayo......

Hindi nalingid sa Senyor ang nararamdaman ng anak. Wala siyang ibang hangad para dito kundi ang makitang muli ang makinang nitong mga ngiti, at muling marinig ang matunog nitong halakhak. Ang magkaroon ng buhay ang malungkot nitong mga mata na ikinukubli sa ampaw na mga ngiti.

Nakabuo ng isang pasya ang mapagmahal na ama ni Gavin. Kailangan niya ng tulong.... na manggagaling sa isang mapagkakatiwalaang tao.  Tulong na hindi matatanggihan ng pakikiusapan niya.....ang tulong na magpapabalik sa saya ng familia Hermosa.... ang tulong ni Elena.

"Anak ng…", pikon na bulong ni teresa habang pilit na hinuhuli ang biik niyang alaga na nakakawala.

Ikk...ikk..., iyak ng makulit na biik matapos siyang mahawakan ng dalagang humahabol sa kanya.

"Pinahirapan mo ako ha!.. napaka likot mo.. bakit di mo gayahin ang mga kapatid mo ha?.. tignan mo sila, nasa tabi lang at kain ng kain!.. kapag di ka tumaba eh ano pa ang itatawag ko sayo?.. di na baboy kapag payat diba!..", walang tigil na sermon ni Elena sa hawak na biik.

Ibinalik niya ang biik sa kulungan at hinanap kung saan ito nakalusot kaya nakawala.

Kanina pa natatawa si Senyor Fernando habang pinanonood ang dalaga. Nakatutok ang pansin nito sa biik kaya di namalayan ang pagdating niya.

"Malalaki na pala ang mga alaga mo, Elena.", sabi ng Senyor.

"Ay! Senyor, magandang hapon po. Oo nga po medyo malalaki na sila. Kaya nakaya ng lumusot nung isa sa kulungan .", sagot ni Elena.

Mabilis itong lumabas sa kulungan ng mga alaga upang maayos na mapakiharapan ang Senyor na bisita.

"Wala po ang itay Senyor, kasama po ang inay na nagpunta sa gulayan.", sabi ni Elena habang hinuhugasan ang maputik na kamay at paa. Pagkatapos ay umupo siya sa upuang kawayan, paharap sa Senyor.

"Ikaw ang sadya ko Elena, may nais sana akong hilingin sayo.", seryoso ang tinig ni Senyor.

"Ano po yon Senyor?  Sabihin nyo lang at kapag kaya ko ay di kayo magdadalawang salita.", nakangiting sagot ni Elena.

Hidden Agenda: Paibigin kaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon