Chapter 43 (panibugho)

1.3K 75 0
                                    

Humihikbi hikbi parin si  Elena habang tinatanaw ang papalayong sasakyan. Lihim namang natatawa si Gavin sa itsura ng dalaga. Daig pa nito ang may asawang OFW na inihatid sa airport.

Dinukot ni Gavin ang panyo sa bulsa ng pantalon at iniabot kay Elena. Pigil pa rin ang pagtawa.

"Salamat.", sabi ni Elena ng abutin ang panyo kay Gavin. At binirahan ng malakas na pagsinga. Hawak pa nito ang ilong ng lumingon kay Gavin. Imbis na matawa ay naging seryoso ang mukha ng byudo ng makita ang mugtong mata ng dalaga.

Muli siyang nakadama ng paghanga para dito. Likas itong mapagmahal. Hindi ito materyosa, simple, at higit sa lahat matapat. Malayong malayo sa unang babaeng pinakasalan niya.

Ilang araw din na naging matamlay si Elena. Nalibang na lang ang dalaga ng mag umpisa na ang anihan ng mangga. Huling pag ani na ng mga bunga sa taon na yun.

Dumating na si Mark, ang anak ng suking mamamakyaw ng Hacienda Hermosa.

Agad nitong hinanap si Elena. Kahit binasted na ng dalaga ay patuloy pa rin ito sa pagpapahayag ng kanyang damdamin.

"Magandang umaga sayo, Elena.", nakangiti nitong sabi.

Natagpuan ni Mark si Elena na abala sa pag aayos ng mga kaing na paglalagyan ng mga ani.

"Magandang umaga rin sayo , Mark.", nakangiti nitong sagot kahit patuloy ito sa ginagawa.

"Para sayo, Elena.", sabi ni Mark habang inaabot sa dalaga ang isang pumpon ng rose na puti.

"Salamat, Mark. Hindi ka na sana nag abala pa. Matagal ko ng sinabi sayo na ibaling mo na lang sa iba ang iyong damdamin.", mahinahong sabi ni Elena ng humarap kay Mark.

"Hindi ganun kadali, Elena. Ikaw lang ang tinitibok nito.", sabi ng binata sabay turo sa tapat ng puso.

"Pero, Mark....", di pa natatapos na sabi ng dalaga.

"Hangga't dalaga ka pa at walang kasintahan ay di pa rin ako susuko, magbabakasali pa rin ako na magkaroon ako ng puwang upang matutunan mo akong mahalin.", matapat nitong sabi.

Inis na inis naman si Gavin sa pangungulit ng binata kay Elena. Kanina pa ito nakatayo sa may gilid ng puno. Kaya mula sa paglapit at umpisang pag diga nito kay Elena ay maliwanag niyang napakinggan.

Magandang lalaki, mayaman at kasing edad ni Elena ang binatang si Mark. Nakaramdam ng panibugho ang byudo.

Hidden Agenda: Paibigin kaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon