Masayang sinalubong ng mga tauhan ng Hacienda ang pagdating ni Gavin. Ang bawat madaanan niya ay nagpapasalamat at nakalabas na siya mula sa Hospital at ang mga ito ay humihiling ng maaga niyang pag galing.
"Pasensya ka na Gavin kung di na ako nakabalik ng Hospital hane, marami akong inasikaso dito dahil wala kayo ng Papa mo. Kung pwede sana ay wag ka na uli magkakasakit ha. Tignan mo at napanot agad ako ng wala ka dito..", sabi ni Oca at iniyuko pa ang ulo matapos maghubad ng sumbrero para makita ni Gavin ang panot niya.
Nagkatawanan ang lahat ng nandun. Tumango si Gavin habang tumatawa. Umakbay pa ito kay Oca. Nakangiti naman ang Senyor sa ipinakitang pag aalala ng mga tauhan sa kanyang anak.
"Daddy!…'', sigaw ng tumatakbong si Letlet. Nakita ni Gavin na kasunod ng anak si
Elena. Nakangiti rin ito na sumalubong sa kanya.
"Salamat at nakalabas ka na ng Hospital. Magpagaling ka agad'', sabi ng dalaga.
Tumango siya sa sinabi ni Elena.
''Maraming salamat sa inyong lahat… Hayaan nyo at magpapalakas agad ako para di na mapanot si Mang Oca…'', biro ni Gavin.
Nagpaalam na ang mga tauhan upang makapagpahinga na ang nanggaling sa hospital. Nagsibalik na ang mga ito sa mga iniwanang gawain upang salubungin batang Senyor. Pumasok narin ng bahay si Gavin, nakasunod ang mag lolo at Mameng.
Nang makapasok sa loob ng silid ay agad na kumandong si Letlet kay Gavin. Nakaupo ang batang senyor sa pahigang upuan na nasa veranda.
"Daddy wag ka na uli titira sa malayo ha. Nalulungkot ako kapag wala kayo ni lolo. Buti na lang lagi ako sinasama ni tita Elena sa kanila.
Alam mo Daddy, pumitas kami ng bayabas ni tita Elena tapos kinain namin. Ang sarap Daddy...wait lang ha...", sabi ni Letlet at tumakbo na ito.
Maya maya ay may bitbit na itong malalaking bayabas na may tangkay pa at dahon. Iniabot ang mga bayabas kay Gavin.
"Para sayo yan Daddy, itinira yan ni tita Elena para sayo.", sabi uli ni Letlet.
Tinanggal niya sa tangkay ang bayabas at akmang isusubo na ito ng pigilan siya ni Letlet....
"Hindi naman ganyan ang pagkain niyan Daddy eh, ganito.....'', sabi ni Letlet. Nakita ni Gavin na dumukot ito sa bulsa at pilit na may kinukuha... ang lakas ng tawa niya ng mailabas na sa bulsa nito ang.......asin!
Tinuruan pa siya na isasawsaw muna sa asin na nasa palad bago kagatin at kainin. Naiiling na lang ng ginaya ni Gavin ang itinuro ni Letlet. Naalala niya na ganun kung kumain ng bayabas si Elena.
Binuo ni Gavin ang isang pasya. Sisikapin niyang sundin ang payo ng doktor niya. Para sa sarili, sa Papa niya, kay Letlet, at sa mga tauhan ng Hacienda na nagtitiwala at umaasa sa kanya.
BINABASA MO ANG
Hidden Agenda: Paibigin ka
RomanceNaisipan ni Gavin mamasyal. Sinakyan niya ang paboritong kabayong si Brutus, at saka pinitik sa puwitan. "Ya!" Kumaripas na si Brutus ugang libutin ang malawak na lupain ng Hacienda Hermosa. Nang makaramdam ng pagod, pinahinto niya ito at saka bum...