Maaga palang ay pumunta na si Elena sa kwadra at tinignan ang kalagayan ng bagong panganak na kabayo. Nang masigurong maayos na ito pati ang pony ay inilabas na nya ang kabayong madalas nyang gamitin. Pinangalan niya itong Princess.
Nag ikot si Elena sa malawak na hugis oval na pinag eensayuhan ng mga kabayo. Hindi pansin ang humahangang mga mata ng isang lalaking kanina pa nanonood sa kanya. Titig na titig si Jerome kay Elena.
"Ang ganda nya…, anong pangalan niya Insan? Ipakilala mo ako.", magkakasunod na sabi ni Jerome.
Di nakakibo si Gavin sa sinabi ng pinsan. Nakita nyang titig na titig ito kay Elena.
"Probinsyana… yuck!.. ang daming magaganda sa manila, Jerome", maarteng sabi ni Irish.
"Gusto lang ni Jerome ng sariwa, pagbigyan mo na.", natatawang sabi ni Robbie.
"Huwag si Elena mga insan. Matino siyang babae para paglaruan.", napipikong sagot ni Gavin.
"Malilintikan tayo sa Papa.", dugtong pa uli nya.
"O narinig mo Jerome, wag mo ng pagtripan yang Elena na yan", saway ni Luis.
Gusto sanang itaboy ni Gavin si Elena palayo para makaiwas sa mga bwitreng pinsan nya pero palapit na ito. Nakangiti itong naglakad palapit sa kanila habang hila ang tali ng kabayo na sinasakyan kanina.
"Hi, ako si Jerome. Ikaw si Elena di ba?", nakangiting sabi nito habang kinakamayan ang dalaga. Hindi pa rin nito binibitawan ang kamay ng dalaga.
"Ako naman si Luis.", agaw nito sa kamay ni Elena ng magsalita. Hindi din binibitawan ang kamay ng namumulang dalaga.
Iba naman ang ginawa ni Robbie, sumampa ito sa bakod at dinikitan ang katawan ni Elena.
"I'm Robbie. Nice meeting you Elena. Kung alam ko lang na may magandang dilag dito sa Hacienda ni Tito Fernando ay matagal na akong nagpabalik balik dito.", diga nito sa dalagang pilit na inilalayo ang katawan.
"Sige na Elena, ipasok mo na si Princess. Tapos ay pumunta ka na sa gulayan.", mariing utos ni Gavin. Nasaktan si Elena sa matabang na pakikipag usap sa kanya ni Gavin. '
''Siguro ay dahil may seksing babae na nakayakap sa kanya.'', naisip ni Elena.
Umirap pa kay Elena ang ngumingising si Irish. Nagrebelde ang loob ni Elena. Taas ang noo ng ito ay sumagot.
"Opo, senyorito Gavin.", madiin na sagot nya habang tuwid na tuwid ang matang nakatingin sa mga mata ni Gavin. Tumalikod na ito at naglakad hila ang kabayong si Princess.
BINABASA MO ANG
Hidden Agenda: Paibigin ka
RomanceNaisipan ni Gavin mamasyal. Sinakyan niya ang paboritong kabayong si Brutus, at saka pinitik sa puwitan. "Ya!" Kumaripas na si Brutus ugang libutin ang malawak na lupain ng Hacienda Hermosa. Nang makaramdam ng pagod, pinahinto niya ito at saka bum...