Chapter 9 (sermon)

1.5K 88 0
                                    

Napatingin sila sa tumatawang si Gavin.  Nagtataka naman si Letlet kung bakit tumawa bigla ang ama.

"Daddy?", tawag nito.

Para namang natauhan si Gavin sa tawag na yon ng anak. Nagtatanong ang mga mata nito. Nakatayo parin ito sa harapan ni Elena.

"Eh kasi naman ano ang iginanda niyan, tignan mo nga ang itsura!..panakot ng uwak yan eh!.", paliwanag nito sa anak at tumawa na naman.

Mangiyak ngiyak si Elena sa sobrang hiya. Para na rin kasing sinabi ni Gavin na pangit siya.

"Bad ka daddy!.. maganda ang doll ko, diba lolo?", mangiyak ngiyak na sabi ni Letlet.

Lumuhod si Elena sa harap ni Letlet at sinabing... "Maganda naman talaga ang doll mo Letlet. Siya ang nagbabantay sa mga pananim sa gitna ng bukid kaya walang nakakalapit na bad na uwak. Di man maganda ang itsura niya sa panlabas ang importante ay may nagagawa siya para protektahan ang mga mahal niyang pananim.", sabay pukol ng tinging matalim ra natahimik na si Gavin.

"Babantayan din ako ng doll ko pag natulog ako para wala akong bad dreams ha, tita Elena.", tanong ni Letlet.

Natuwa si Elena sa pagtawag sa kanya ni Letlet ng tita. Ngumiti siya at tumango bilang pag sang ayon sa sinabi nito. Ngumiti na ang bata. 

Pinahid ni Elena ang namumuong luha sa mata ni Letlet. Titig na titig naman ang bata sa mukha ng dalaga. Ngumiti si Elena, nagulat pa siya ng bigla yumakap si Letlet sa kanya.

"Naku!, amoy araw ako at saka madumi ang damit ko..", sabi niya sa bata.

Bumitaw si Letlet sa pagkakaakap kay Elena. Pero hinawakan naman siya at hinila para maupo.

"Kain ka din po tita Elena. Dito ka sa tabi ko.", aya nito sa kanya.

"Oo nga naman Elena, pasensya ka na at di ka namin agad inaya. Halika na saluhan mo kami.", nakangiting sabi ng Senyor.

"Sa ibang pagkakataon na lang po Senyor, kailangan ko na kasi maiayos ang mga papeles na ito bago magtanghali. Darating na po ang mga contact natin mamaya para tignan ang palay.", sabi ni Elena sa Senyor. Pagkatapos ay si Letlet naman ang kinausap niya.

"Hindi ako pwedeng magtagal dito Letlet, may gagawin pa kasi ako. Kung gusto mo bukas na lang. Dun tayo mag picnic sa palayan?", sabi ni Elena.

Pumayag naman si Letlet sa sinabi niya kaya bumitaw na ito sa kanya at itinuloy na ang pagkain.

Matapos pirmahan ng Senyor ang mga papeles ay nagpaalam na si Elena.

Di nakakibo si Gavin ng tignan siya ng ama. May pagbabanta sa mga mata nito. Yumuko nalang siya at itinuloy ang pagkain para makaiwas sa sermon.

Hidden Agenda: Paibigin kaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon