Pagkaraan ng ilang taon ay masiglang masigla na muli ang buong hacienda.
Nagkikintaban ang magagandang uhay ng palay twing tatamaan ng sikat ng araw.
Napakasarap langhapin ang mabango at sariwang hanging nagmumula sa nagsasayawang mga palay, na mayabang na nakatayo sa gitna ng malawak na lupa.
Ang mga puno ng mangga ay nagsisimula na ring mamulaklak.
May mga bagong panganak rin sa mga imported na alagang kabayo ng Hacienda.
Masayang nilapitan ng Senyor ang kaibigang si Oca. Abalang abala ito sa pag aayos ng mga bakod na tinatakbuhan ng pinapraktisan na mga kabayo.
"Tamang-tama ang pag uwi ni Gavin at ng aking apo sa isang linggo, Oca. Makikita nilang mag ama ang kagandahan ng ating Hacienda.", may pagmamalaki sa boses ng Senyor. Tinulungan niya si Oca sa ginagawa nito.
"Makakatulong sa kanya ang lugar na ito, Fernando. Sa maynila ay puro nagtataasang gusali ang nakikita niya. Polluted ang hangin at napaka ingay. Dito ay mapapabilis ang kanyang pag galing. Sa katawan at isipan.. ", may pag aalalang sabi ni Oca. Natapos na nilang magkaibigan ang ginagawa.
"Naihanda na ba ni Elena ang listahan ng mga bibilhing gamot at mga pataba?.", tanong ng Senyor.
"Malamang ay ginagawa pa lang ni Elena ang inutos mo. Lintik na bata yan!. Nagsasalita pa ako ay binirahan na ng patakbo kay Brutus.", naiiling na reklamo ni Oca.
"Wag ka ng magalit, maaga pa naman kaya may oras pa.", natatawang sabi ng Senyor.
tigidig.......tigidig.......
''Ho....ho..... Magandang umaga po Senyor!..'', nakangiting bati ni Elena, habang bumababa kay Brutus. Hinimas himas pa ng dalaga ang batok ng kabayo na napaka amo sa kanya.
"Nagawa mo na ba ang iniutos sayo ni Senyor?...", pagalit na tanong ni Oca sa anak.
Nakangiti naman ang Senyor habang pinanonood ang mag ama. Nagkamot kasi ng batok ang dalaga kaya nasisiguro niya na ''hindi pa" ang isasagot nito.
"Eh... kasi po Senyor napansin ko na walang sigla si Brutus kaya ipinasyal ko muna.. next week dadating na ang may ari sa kanya, kaya dapat kondisyon siya... di ba Brutus?.", nakayakap sa kabayong tanong nito.
Parang nakaintindi naman ang kabayo na tumango-tango pa sabay halinghing.
"O ayan itay ha, si Brutus na mismo ang sumagot sayo.", nakangiting sabi ni Elena. Kumindat pa ito sa Senyor at muling sinakyan ang kabayo..
"Sige po itay, Senyor... ihahatid ko na si Brutus. Tapos, gagawin ko na ang listahan!!....hiyah...", sigaw nito palayo.
Natawa ng malakas ang Senyor. Habang naiiling naman si Oca.
Sa edad bente tres ay para parin itong bata kung kumilos. Masayahin ang magandang dalagang si Elena. Morena ang kulay ng balat nito na napaka kinis. May lahing kastila ang ina nitong si Estella at makisig ang amang si Oca. Kaya naman maganda ang naging anak.
"Nakakatuwa yang si Elena mo Oca. Napakasigla kumilos at napaka ganda.", puri ng Senyor.
"Siguro ay maraming nanliligaw sa kanya... may nobyo na ba ang dalaga mo?.", tanong ng Senyor.
"Walang magkalakas ng loob!. Tignan mo nga kung umasta, parang bata, ganung bente tres anyos na yan.", sagot ni Oca.
"Napaka bilis ng panahon, Oca. Parang kaylan lang ay bata pa siya at binatilyo naman si Gavin, ngayon ay dalagang dalaga na si Elena at si Gavin naman ay.....", di na naituloy ang sasabihing nagkusot ng mata ang Senyor.
"Huwag kang masyadong malungkot Fernando. Nagkaroon ka naman ng isang napakagandang apo diba?.", pang aalo ni Oca sa Senyor.
Tumango ito at magkasabay ng lumakad papunta sa opisina ng Hacienda.
BINABASA MO ANG
Hidden Agenda: Paibigin ka
RomanceNaisipan ni Gavin mamasyal. Sinakyan niya ang paboritong kabayong si Brutus, at saka pinitik sa puwitan. "Ya!" Kumaripas na si Brutus ugang libutin ang malawak na lupain ng Hacienda Hermosa. Nang makaramdam ng pagod, pinahinto niya ito at saka bum...