Chapter 13 (umalingawngaw)

1.5K 84 1
                                    

Karugtong ......

Madalas ay umaga na kung umuwi si Peachy. Kundi lasing dahil natalo ay lasing din kapag nanalo. Iniiwanan lang sa yaya ang anak nila ni Gavin. Nagtiis si Gavin at pilit na inunawa ang asawa. Magta-tatlong taon na si Letlet ay hindi parin dumarating ang pagbabagong hinihintay ni Gavin sa asawa.

Nang magkaroon ng pagkakataon ay kinausap ni Gavin ang asawa ng malumanay. Subalit nauwi sa mainit na pagtatalo ang usapan na yon. Sa unang pagkakataon ay napagbuhatan ni Gavin ng kamay ang asawa. Kaya sa library na naman siya nagpalipas ng mag damag.

Nasa opisina si Gavin ng ma realize niyang mali ang ginawa niyang pagsampal sa asawa kaya napag desisyunan nyang umuwi at amuin ito. Bumili muna siya ng paborito nitong bulaklak.

Nang pagbuksan siya ng gate ng yaya ni Letlet ay napansin niyang natataranta ito. Panay ang pagtingala ni yaya sa bintana ng silid nilang mag asawa. Nagtatakang nagtanong si Gavin, "Bakit yaya may problema ba?", hindi sumagot ang tinanong. Sige lang ito sa kapipilipit sa laylayan ng suot na apron.

Kinabahan si Gavin,... may pagmamadali sa hakbang nito. Nang matapat siya sa pintuan ng kanyang silid ay narinig niya ang boses ng asawa......

"Ahhh... ohhh... yes!... ohhh... shit!... Melvin ang sarap!... ohhh..."

Nanlamig ang buong katawan ni Gavin. Hindi man nakikita ay nakakasiguro siya sa kung ano ang nagaganap sa loob.

Pinihit niya ang doorknob, naka lock!... nanginginig ang mga daliri niya ng kunin ang susi sa tabi ng medicine cabinet at ipasok sa keyhole ng doorknob. Nang pumihit ito ay dahan dahan niyang itinulak ang dahon ng pintuan.

Namilog ang mata ni Gavin sa mainit na eksenang nasasaksihan..... si Peachy!....hubu't hubad at para itong aso na nakatuwad habang ang tinawag na Melvin ay panay ang pag ulos sa likuran ng kanyang asawa. Nakasabunot pa ito at madalas na pinapalo ang pigi ng kaulayaw.

''Mga walanghiya!!....'', sigaw ni Gavin..

Sumugod ito sa nagulat na lalaki. Inundayan ito ni Gavin ng ubod lakas na suntok. Bagsak ito sa sahig. Nagmamadaling bumaba mula sa kama si Peachy at umakap sa lalakeng nakahandusay sa sahig.

Sa ginawang yun ng asawa ay tuluyan ng nagdilim ang paningin ni Gavin at dalawang putok ng baril ang umalingawngaw.

Hidden Agenda: Paibigin kaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon