Chapter 5 (bakit?)

1.7K 89 1
                                    

Habang naglalakad pauwi ay panay ang dabog at reklamo ni Elena.

"Napaka yabang!… hindi ko talaga malaman kung kanino nagmana ng ugali!.. napakabait naman ng mga magulang niya, lalo na si Senyor!.. pero siya....", pabulong bulong na salita ng dalaga.

Nang may makitang nakaharang na bunga ng mangga sa lapag ay dito niya ibinunton ang nararamdamang inis.

Um!... bigay todo ang ginawa niyang pagsipa sa walang muwang na mangga. Ang kaso lang ay imbis na masipa ay natapakan niya ito kaya.....

BLAG!!!!!.... na out balance ang dalaga at bumagsak!.. una ang puwit!..

"Huwahh…'', iyak ni Elena habag nagpapadyak kahit napasalampak sa daan.

''Makikita mo… may araw ka rin sa akin Gavin kaaaa!", sigaw ng dalaga.

Pinahid ni Elena ang luha at nagpalinga linga. Tingin sa kanan, tingin sa kaliwa at sa likod upang tiyakin kung may nakakita ba sa kanya. Nang masigurong wala ay tumayo na ito, hawak ang sumasakit na balakang at tumuloy na ng lakad pauwi.

"Bakit ganyan ang itsura mo, anong nangyari sayong bata ka?.", nag aalalang tanong ni Estella sa anak. Paika ika ito habang nakahawak ang kamay sa gawing balakang. Puro grasa pa ang noo at pisngi.

Nang ikwento ni Elena sa ina ang buong pangyayari ay bumunghalit ito sa pagtawa..

"Ang inay naman eh…", maktol ni Elena.

"Paano ka matatandaan ni Gavin sa itsura mong yan?. Tignan mo nga yang mukha mo!....", nagkakandaiyak na tawa ni Estella.

"Anung…", tanong ni Elena sa ina at nagmamadaling lumapit sa nakasabit na salamin sa dinding...

"Oh! My God....", sabi ni Elena ng makitang para siyang combat army na ready to attack.

Nilingon niya ang ina at sabay na silang nagkatawanan..

Gabi.... nasa veranda ng malaking bahay si Gavin. Maliwanag ang bilog na bilog na buwan. Lumanghap siya ng hangin..

"Ahh…iba talaga ang hangin sa probinsya. Sariwa at masarap langhapin. Malakas at malamig. Hindi na kailangan ang aircon. Tahimik ang buong paligid maliban sa huni ng pang gabing ibon. Dito ba talaga ang lugar para makaramdam ako ng kapayapaan?.", sabi niya sa sarili.

Isang malalim na buntunghininga ang pinawalan ni Gavin. Nakaramdam siya ang panlalamig kaya pumasok na siya sa loob ng kanyang kwarto. Nang silipin niya ang anak kanina ay mahimbing na itong natutulog. Ang anak na tanging alaalang naiwan ng kanyang asawa..

Nang maalala ang asawa ay nagtagis ang bagang nito. Kinuha ang bote ng alak na nakapatong sa mesa. Nagsalin ito at mabilis na inubos ang laman ng basong hawak. Nakailang salin at paglagok pa ang ginawa niya. Nang makaramdam ng hilo ay pakaldag na ihiniga niya ang katawan sa kama. Nakapikit ito ng magsalita.

"Bakit?…bakit?..", mahinang tanong ni Gavin. Nakatulog na siya pagkatapos.

Hidden Agenda: Paibigin kaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon