Habang naglalakad palayo ng malaking bahay ay gigil na gigil si Elena.Hindi man direktang sinabi ni Gavin na pangit siya ay parang ganun na din ang gusto nitong sabihin kanina.
"May araw ka rin sa akin Gavin ka. Pangit pala ha..", isang plano ang nabuo sa utak ng dalaga.
Kinabukasan gaya ng pangako kay Letlet ay naghanda si Elena ng merienda para sa picnic. May malapad na papag sa ilalim ng malaki at malagong kambal na puno ng mangga. Nilatagan niya ng sapin ang papag at inayos ang mga pagkain sa ibabaw nito. Dala din niya ang kanyang gitara.
Maya maya pa ay dumating na si Letlet. Nakasakay ito kay Harabas. Kasama nito si Mameng na di magkandaugaga sa basket na bitbit. Mabilis na lumapit si Elena kay Mameng upang tumulong pero sinalubong na siya ni Letlet at niyakap.
"Hi! Tita Elena...", excited na bati nito sa kanya.
Tumingin pa si Elena sa pinanggalingan ng owner para tignan kung kasama ba si Gavin. Nang walang Gavin na natanaw ay nakadama ng panghihinayang si Elena.
"Sayang!. Nag ayos pa naman ako para maipa mukha ko sa Gavin na yon na maganda ako!'', bulong niya sa sarili.
Nang maisip na baka mabwisit lang siya kung sumama si Gavin ay gumanda na uli ang pakiramdam ni Elena.
Ipinasyal ni Elena sa bukid si Letlet. Magkahawak pa ang kamay nila habang naglalakad. Nang mapagod ay bumalik na ang dalawa. Ang pagkain naman ang inumpisahan nilang atupagin. Hindi pumayag si Elena na hindi sumalo ang driver ng owner na si Narding at ang yaya na si Mameng.
Matapos kumain ay kinuha ni Elena ang dalang gitara. Naupo ito sa damo at nag umpisang tumugtog na sinasabayan ng pagkanta. Pinanood naman ito ni Letlet na nakadapa pa sa damuhan.
Hindi nila pansin ang isang taong kanina pa naka tanaw sa kanila.
BINABASA MO ANG
Hidden Agenda: Paibigin ka
RomanceNaisipan ni Gavin mamasyal. Sinakyan niya ang paboritong kabayong si Brutus, at saka pinitik sa puwitan. "Ya!" Kumaripas na si Brutus ugang libutin ang malawak na lupain ng Hacienda Hermosa. Nang makaramdam ng pagod, pinahinto niya ito at saka bum...