Maaga nagising si Gavin…
"Good morning Pa!.", bati ni Gavin sa ama. Nakaupo ito sa harap ng mahabang mesang narra na kainan nila.
"Gaya parin ng dati ang Papa, maaga kung gumising.", bulong ni Gavin sa sarili.
"Good morning din sayo, hijo. Napaaga yata ang gising mo?. Halika na, sumabay ka na sa akin mag almusal.", nakangiting aya ni Senyor.
"Mag iikot muna ako, Pa. Nami miss ko na mangabayo. Titignan ko kung nasa kondisyon parin si Brutus.", sabi ni Gavin sa ama.
Tumango tango ang
Senyor. Matapos humalik sa ama ay lumabas na ng bahay si Gavin. Dumirecho sa kwadra ng mga kabayo.
Mangha at labis na paghanga ang naramdaman ni Gavin pagkakita sa lugar ng mga kabayo. Parang nakatingin siya sa isang napakagandang painting. Napakaganda!...
Nag ikot pa ang paningin niya. Nasisiyahan sa nakikitang tanawin na napangiti ang lalaki. Walang anu-ano ay may naulinigan siyang nagsasalita. Parang may nag uusap sa loob ng kwadra. Hindi na sana niya papansinin ang nag uusap ng marinig niyang banggitin ng isang boses babae ang kanyang pangalan. Lumapit siya para mas malinaw na marinig kung ano ang pinag uusapan ng mga ito tungkol sa kanya.
"Napaka yabang!. Biruin mo ha di daw ako masyado naalala!..huh.. ito ba namang ganda kong ito!.. Hay naku!..kaya ikaw magpakita ka ng gilas. Wag ka magpapa apekto sa pagkasuplado ng Gavin na yan?.. O ayan ha, napaliguan na kita at nakakain ka narin. Baka maisipan ng magaling na lalakeng yon na bisitahin ka. Pag sumakay sayo tapos pinalo ka ng malakas ilaglag mo para matauhan. Pero hinaan mo lang ha, wag mo babalian. Kawawa naman..'', sabi ni Elena sa kausap.
Kanina pa natatawa si Gavin sa nakikita. Ang kausap ni Elena ay si Brutus!..ang kabayo nya.
Natatandaan niya si Elena.
Paluwas siya ng maynila noon para mag aral ng kolehiyo. Nag iiiyak ito at ayaw siyang bitawan. Disisiete anyos palang siya noon at si Elena ay sampung taon lang. Hindi niya makakalimutan ang katuwaan nito kapag sumasalubong sa kanya sa twing umuuwi siya para magbakasyon. Lagi nya itong dinadalan ng pasulubong tapos ay tuwang tuwa na hinahalikan siya. Malapit ito sa kanya at dahil solong anak lang sila pareho ay para na silang magkapatid kung magturingan. Pero ng graduating na siya ay di na siya nakauwi lalo na ng magkatrabaho at magka asawa.
Naputol ang pag alala ni Gavin sa nakaraan ng may tumapik sa kanya.
"Nandyan ka na pala Gavin. Gusto mo bang mag ikot sa Hacienda ha?", tanong ni Oca.
Pagkakita ni Gavin kay Oca ay niyakap niya ito.
"Kamusta po Mang Oca?.", masaya niyang bati.
"Parang di kayo tumanda ah,. Magandang lalaki pa rin..", biro niya dito.
Nagtatawa namang tinapik ni Oca ang braso ni Gavin.
"Kuu… anu bang di tumanda. Ere nga at puro puti na ang buhok ko dahil dyan kay Elena. Teka!. nagkita na ba kayo.", tanong ni Oca.
"Kakadating ko lang ho.", kunwa ni Gavin.
"Eh ano pa at nakatayo ka lang dyan, halika na sa loob at ng magkita kayo. Naku eh halos di nakatulog yun kahihintay sayo. Nandyan sa loob ang batang yun. Malamang ay kausap na naman si Brutus mo.", natatawang sabi ni Oca.
Natawa din si Gavin sa narinig. Tama!..kausap nga si Brutus at pinapa assasin ako sa kabayo ko?...isip ni Gavin..Sumunod na siya kay Oca papasok ng kwadra.
BINABASA MO ANG
Hidden Agenda: Paibigin ka
Storie d'amoreNaisipan ni Gavin mamasyal. Sinakyan niya ang paboritong kabayong si Brutus, at saka pinitik sa puwitan. "Ya!" Kumaripas na si Brutus ugang libutin ang malawak na lupain ng Hacienda Hermosa. Nang makaramdam ng pagod, pinahinto niya ito at saka bum...