Chapter 15 (good morning)

1.5K 83 0
                                    

Nakabisado na ni Gavin ang mga dapat gawin sa buong Hacienda. Halos siya na ang nagpapatakbo nito. Ang matandang Senyor ay taga payo na lamang. Si Gavin na ang kumakausap sa mga buyer at gumagawa ng mga transaksyon. Matiyaga naman si Oca sa pag alalay sa kanya.

Sa kahit na anung bagay ultimo pinakamaliit na ipapasya ay kinukunsulta muna ni Gavin si Oca. Labis na tuwa ang nararamdaman ni Oca sa ipinapakitang pagpapahalaga sa kanya ni Gavin. Kaya naman naipangako niya na ang ginawa niyang paglilingkod sa kaibigang si Fernando ay gagawin rin niya sa anak nito.

Si Gavin naman ay napakalaki ng respeto sa kaibigan ng ama. Ni minsan ay hindi ito naging abusado sa kabutihang loob ng kanyang papa. Mabuti itong kaibigan at matapat sa Hacienda Hermosa. Bata pa lamang siya ay nakita na niya kung paano magturingan ang papa niya at si Oca. Kaya ibabalik niya sa katiwala ang respeto at pagpapahalaga na nararapat para dito.

Parang naging iisa ang mga tao na masipag at masiglang naglilingkod sa dalawang Senyor.

Ang mga lupa na kinatitirikan ng mga bahay ng lahat ng tauhan ng Hacienda Hermosa ay ibinigay lamang ng Senyor sa kanila. May titulo ang tig tatatlong daan metro kudradong sukat ng lupa sa kanilang pangalan. Bilang pasasalamat sa Senyor ay naglingkod ang mga ito sa Hacienda na parang kanila. May pagmamalasakit at pagmamahal......

Maagang sumakay si Gavin sa kabayong si Brutus. Naisip niyang puntahan sa bahay si Oca ng may makapagsabi sa kanya na may sakit ang matanda. May dala din siyang sariwang gatas ng kalabaw at ilang prutas.

Malayo pa lang ay nakita na niya si Elena na nagsisibak ng kahoy. Natatawa siya sa itsura nito. Naalala niya na noong bata pa man ay para na itong lalake kung kumilos. Ang mga hilig nito ay pulos pang lalake din. Mahilig itong mangabayo. Madalas ay nasa ibabaw ito ng puno lalo na sa punong bayabas. May dala itong asin na nakalagay sa bulsa at sa taas ng puno lalantak ng kain. Bababa lang kapag bundat na. Pagkatapos ay pupuntahan siya at ibibigay sa kanya ang ilang pirasong natira. Natawa uli si Gavin sa naalala.

Nang makalapit na sa bahay ni Oca ay bumaba na siya sa likod ni Brutus.

"Good morning daw sabi ni Brutus!", bati ni Gavin na pigil ang pag ngiti. Umingos lang sa kanya ang dalaga at itinuloy ang pagsisibak ng kahoy.


Hidden Agenda: Paibigin kaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon