Malapad ang ngiti ni Senyor Fernando sa nakikitang pagkakasundo ng anak at mga pamangkin, ganun na lang din ang tuwa niya sa nakitang pagbabago sa dalagang taga maynila. Maging si Letlet ay hindi na nakasimangot kapag nakikita si Irish. Masaya na itong nakikisali sa mga biruan. Sumasama na rin ito sa pamamasyal. Ang mga tauhan ng Hacienda ay hindi na rin naiilang sa mga bisitang taga maynila. Nakikipagbiruan na rin.
Sa makalawa ay babalik na ng maynila ang mga panauhin. Nais ng Senyor na magkaroon ng magandang alala ang mga ito na mababaon sa pag alis. Kaya hindi ito mapakali.
Nang malaman ng mga pamangkin ang pino problema ng tiyuhin ay kinausap nila ito.
"Tito Fernando, hindi mo na dapat iniisip kung paano mo kami mapapasaya.", natatawang sabi ni Luis sa Senyor.
"Araw araw ay masayang masaya kami dito. Kung di nga lang sa mga trabaho naming naiwan sa manila ay baka di pa namin maisipan umalis ng Hacienda.", sabi naman ni Jerome.
"Tignan mo, tito. Isang linggo pa lang kami dito ay tumaba na agad kami. Baka di kami makilala ng mga chicks namin sa manila.", sabi ni Robbie habang hinihimas pa ang tiyan.
Nagkatawanan silang lahat sa itsura ni Robbie. Tama kasi ang sinabi nito. Tumaba talaga sila sa kain, tulog at gala na ginawa araw araw.
"Oo nga po tito Fernando, napakaganda ng Hacienda at napakababait ng mga tao. Dito lang po ako naka experience ng totoong saya. Nakapag isip ng mga dapat at di ko na dapat gawin pagbalik ng manila. Maraming marami pong salamat.", seryosong sabi ni Irish.
Naluha ang Senyor ng isa isang naglapitan ang mga pamangkin at si Irish upang yumakap sa kanya.
"Kahit anong oras ay nakabukas ang pintuan ng Hacienda Hermosa para sa inyong lahat.", taos sa pusong sabi ng Senyor.
Nagkatawanan sila ng makitang magpunas ng mata ang bawat isa, pare pareho pala silang napaiyak.
"Halika na kayo at baka mamuti na ang mga mata ni Elena at Letlet sa paghihintay. ", aya ni Gavin ng makitang nagkaiyakan na.
Magkakasabay na silang lumabas ng bahay upang magkainan at magkatuwaan hanggang gabi.
BINABASA MO ANG
Hidden Agenda: Paibigin ka
RomanceNaisipan ni Gavin mamasyal. Sinakyan niya ang paboritong kabayong si Brutus, at saka pinitik sa puwitan. "Ya!" Kumaripas na si Brutus ugang libutin ang malawak na lupain ng Hacienda Hermosa. Nang makaramdam ng pagod, pinahinto niya ito at saka bum...