Chapter 46 (honeymoon)

2.3K 144 39
                                    

May mangilan ngilan pang bisita ay tumakas na si Elena at Gavin papunta sa sapa. Ang gusto ni Elena ay sa kubo lang mamalagi para sa kanilang pulot-gata. Ang gusto sana ni Gavin ay lumabas ng bansa, subalit tumanggi si Elena. Makasaysayan daw kasi ang sapa sa kanilang pagiging mag asawa.

Kahit mag asawa na ay nakaramdam ng pagkahiya si Gavin ng maisip na baka nakita siya ni Elena na namboboso nung naliligo ito.

Sakay ng kabayong si Brutus,... nakarating ang mga bagong kasal sa sapa.

Naka off limits sign ang buong paligid. Napahagikgik pa si Elena ng makitang nakahanda na ang lahat ng kakailanganin nila para sa isang buong linggo ng kanilang honeymoon.

Bumaba si Gavin sa kabayo pagkatapos ay inalalayan si Elena pababa. Matapos ilagay sa maayos na lugar si Brutus ay magkahawak ang kamay na naglakad ang dalawa papasok sa gagawin nilang paraiso.

Nakaupo ang mag asawa sa tabi ng bonfire, nakasandig si Elena sa dibdib ni Gavin na nakapaikot ang mga braso sa kanya. Naka ilang shot na sila ng alak na regalo ng Senyor para sa kanilang unang gabi.

"Gavin, may ipagtatapat ako sayo pero wag kang magagalit ha.", malambing na sabi ni Elena.

"Inutusan ako ng Senyor na paibigin ka. Pero kahit di naman niya inutos sa akin yon, gusto ko talaga na ibigin mo ako. Kaya sana wag ka magalit sa akin ha.", masuyong paliwanag ni Elena.

"May ipagtatapat din ako sayo, Elena.", sabi ni Gavin sa asawa na tumagilid paharap sa kanya.

"Nung namamasyal ako sa lugar na ito ay nakita kitang naliligo dyan sa sapa. Imbis na tumalikod ay pinanuod pa kita. Sa madaling salita ay sinilipan kita.", nahihiyang sabi ni Gavin.

"Ha!… ibig mong sabihin nakita mo ang…", sabi ni Elena na nakatakip pa ang bibig.

"Oo, tapos di ka na maalis sa utak ko. Gustung gusto kitang maangkin.", nangingiting bulong ni Gavin sa tenga ni Elena.

Humagikgik si Elena... nangiti si Gavin sa pag aakalang nakiliti ito. Pero ng di pa rin ito tumitigil sa pagtawa ay nagtaka na siya.

Nabasa ni Elena sa mukha ni Gavin ang pagtataka sa pagtawa niya kaya nagpaliwanag siya.

"Panu kasi ng araw na yon sabi ng Senyor ay pupunta ka raw dito. Pinauna niya ako at ang bilin niya ay kailangang mapansin mo ako. Nang makita kita na padating ay di ko alam ang gagawin ko lalo na ng bumaba ka kay Brutus.. Nagmamadali akong naghubad at lumusong sa tubig. Naisip ko rin na tanggalin ang panloob ko para kung makita mo ay mapansin mo agad ako. Ginaw na ginaw na ako pero wala ka pa. Kaya nagbihis na ako at umuwi na lang. Yun pala nakita mo ako at naninilip ka pa.", natatawa pa ring sabi ni Elena.

"Ah ganun pala ha!.. pinahirapan mo ako kaka maryang palad. Ngayon ay matitikman mo ang iyong kaparusahan!", pa OA na sabi niGavin habang pinupupog ng halik ang mukha at leeg ng asawa.

Huminto si Gavin sa ginagawa at tinitigan ang mukha ni Elena.

"Mahal kita Elena, mahal na mahal kita.", sabi ni Gavin.

"Mahal na mahal din kita, Gavin.", sagot ni Elena.

At pinagsaluhan nila ng paulit ulit ang init sa buong magdamag........

Wakas

Maraming maraming salamat po sa pagbasa!!..

Pagpasensyahan nyo  na rin po ang ilan (marami po ba?) na mga typo error.... hehe

Special thanks to the ff...

maskaranichichiri na super to the maximun level na pag floodvotes at pag add sa reading list ng ng stories q.. tnx po!!

akositamahome sa floodvotes at unconditional na pag suporta ... tenk u po ha!!

crazy_sunako sa floodvotes mo rin po at pag appreciate… tenk u!!

momhienidadhie sa full support… mwah!!

at sa silent reader ko na naka view agad right after na mag publish ako...

Gamsahabnida!!…

Saranghaeyo!!…

#ajeomma

Hidden Agenda: Paibigin kaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon