Chapter 44 (pagkagulat)

1.3K 72 3
                                    

Hindi malaman ni Gavin kung lalapitan o tatawagin si Elena para maiiwas sa makulit na binata.

"Ano pa ba ang dapat kong gawin Elena, para mapatunayan ko ang katapatan ng pag ibig ko para sayo. Sabihin mo lang at nakahanda akong gawin.", masuyong sabi ni Mark sa dalaga.

"Wala kang dapat patunayan sa akin,Mark. Nagkataon lang na hindi tayo pareho ng nararamdaman. Pagiging kaibigan lang ang kaya kong ibigay sayo. Dinaramdam ko pero, hindi ikaw ang tinitibok ng puso ko.", matiyagang paliwanag ng dalaga, iniingatan nitong masaktan pang lalo ang binatang wala namang maling nagawa kundi ang mahalin siya.

Lumapit si Mark kay Elena at hinawakan ang kamay nito.

Hindi na nakatagal pa si Gavin na panoorin lamang ang kapangahasan ng makulit na lalake. Mabilis siyang nakaisip ng paraan.

"Sweetheart...", malambing na tawag ni Gavin kay Elena. Umakbay pa ito sa nagulat at bahagyang nakangangang dalaga.

Maging ang mga tauhan ng Hacienda at ang kasama ng namakyaw ay napalingon din sa pagtawag na yon ni Gavin.

Si Mark man ay nagulat at mabilis na binitawan ang kamay na hawak.

Para tumigil ang kamay ng orasan sa paligid ng manggahan. Huminto sa ginagawa ang mga tao at nanuod sa napakagandang eksena na nasa harap nila.

Nagtatanong ang tingin ni Mark sa nakaakbay kay Elena kaya, nagpakilala si Gavin.

"Ako si Gavin. Gavin Hermosa.", pagpapakilala ni Gavin habang nakalahad ang kamay.

"Senyor Gavin Hermosa?. Ang nag iisang anak ni Senyor Fernando?", maang na tanong ni Mark, at nagmamadaling nakipagkamay sa maotoridad na lalaking kaharap.

"Okay lang ba Mark kung hihiramin ko muna ang misis to be ko?", nakangiting tanong ni Gavin.

Hindi na inantay na sumagot ang tinanong at iginiya na si Elena palayo sa binatang di pa rin makapaniwala.

Ang mga tauhan naman ng Hacienda ay masayang nagtinginan. Ang ilan ay parang kinikilig pa habang nagbubulungan.

Nakiayon na lang si Elena sa ginawang palabas ni Gavin.

Malayo layo na ang nalalakad nila ay hindi pa rin inaalis ni Gavin ang braso sa balikat ng dalaga. Huminto si Elena at tumingin kay Gavin.

"Mamaya ay mamamanhikan na kami ng Papa sa inyo, Elena.", seryosong sabi ni Gavin.

Hindi nakapagsalita si Elena. Hindi pa nakakahuma sa pagkagulat na ginawa ni Gavin kanina ay isa pa uling matinding pagkagulat ang naramdaman niya sa sinabi nito ngayon ngayon lang.

Hidden Agenda: Paibigin kaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon