Ngayong araw ang dating ng nag iisang anak ni Senyor Fernando na si Gavin at apong si Letlet. Gusto sana ng Senyor na magdaos ng masaganang piging subalit mariin itong tinutulan ni Gavin. Hiniling nito na wag ng ipaghanda ang pag uwi nilang mag ama. Ayaw daw nito ng maingay at ang gusto ay makapagpahinga agad. Iginalang ng Senyor ang hiling ni Gavin. Nagpaluto na lang ito ng mga paboritong kainin ng nag iisang anak.
Nasa kalagitnaan ng pagbyahe si Elena pauwi ng Hacienda ng pumugak pugak ang makina ng owner type jeep na minamaneho niya. Maya maya pa ay tuluyang na itong huminto.
"Pambihira naman itong owner na to!, kung kelan ako nagmamadali ay saka pa nagloko.'', reklamo ng dalaga.
Bumaba ng sasakyan si Elena at lumapit sa hood. Itinaas ito at may kung anong kinakalikot sa loob. May kaunting nalalaman ang dalaga sa makina kaya hinanap niya ang dahilan kung bakit ito huminto. Napuno tuloy ng grasa ang kanyang mga kamay.
Nang liparin ang buhok papunta sa mata at hawiin ito ay nagkaroon din ng grasa ang noo at mukha niya.
Malayo pa lang ay natatanaw na ni Gavin ang owner type jeep na nasa bandang gitna ng kalsada.
''Nasiraan siguro...'', bulong niya sa sarili.
Malapit na sila ng magtanong kay Gavin ang driver.
"Sir, may nakaharang po sa kal...", hindi pa natatapos sa sinasabi ang driver ay sumagot na ang kinakausap.
"Businahan mo ng businahan hanggat di itinatabi yang bulok nyang sasakyan!", mariing utos ni Gavin.
Napakamot sa ulo ang driver habang sunod sunod na pagbusina ang ginawa.
"Ay kabayo!...", gulat na napatalon ang dalaga. Nakita niya ang isang bagong pulang kotseng tinted ang mga salamin. Naningkit ang mata ng dalaga at nagmamadaling nilapitan ang magarang kotse na nakahinto sa gitna.
Ibinaba ng driver ang front door glass ng makitang palapit ang dalaga.
Paglapit na paglapit ni Elena ay pakaldag nitong itinukod ang ma grasang mga kamay sa hood ng kotse at pataray na nagsalita...
"Hoy mamang driver!, kung makabusina ka ay parang gusto mong buhatin ko itong sasakyan ko para di ka maabala sa pupuntahan mo!..wala ka bang pang unawa ha?..di mo ba naiintindihan na nasiraan ako?..akala mo ba ay gusto ko na makaabala ng hambog na taong kagaya mo?. Bakit kaya di mo gawin ay bumaba ka dyan sa magara mong kotse at tulungan akong maitabi ang kawawa kong sasakyan at ng makaraan na po kayo kamahalan!..", yumukod pa ito.
"Sige babain mo at tulungan mong itabi ang basura nya, napakaingay ng bunganga ng babaeng yan!... ano pang hinihintay mo?. kilos na!...", nagpipigil sa pagsigaw na sabi ni Gavin.
"Napaka bungangerang babae!.. buti nalang at tulog na tulog si Letlet..", bulong ni Gavin habang ang dalawang kamay ay nakatakip sa tenga ng anak na nakaunan sa kandungan nya.
Matapos itabi ang owner ay dumirecho na ng takbo ang sinasakyan ng mag ama papunta ng Hacienda.
BINABASA MO ANG
Hidden Agenda: Paibigin ka
RomanceNaisipan ni Gavin mamasyal. Sinakyan niya ang paboritong kabayong si Brutus, at saka pinitik sa puwitan. "Ya!" Kumaripas na si Brutus ugang libutin ang malawak na lupain ng Hacienda Hermosa. Nang makaramdam ng pagod, pinahinto niya ito at saka bum...