Chapter 33 (piyok)

1.3K 74 1
                                    

Masayang nagsasabuyan ng tubig si Elena at ang mag amang Gavin at Letlet. Malakas ang tawanan  ng mga ito at minsan ay napapatili pa si Letlet. Masayang pinanonod ng Senyor ang tatlo habang nakaupo sa isang malapad na bato at ang mga paa lamang ang nakalubog sa tubig. Nang lumapit si Mameng upang abutan ang Senyor ng maiinom ay nagsalita ito.

"Tignan mo ang apo ko at anak, Mameng. Napakasaya nila diba? Ngayon ko na lamang muling narinig ang matutunog na halakhak ng aking anak. At si Letlet naman ay naging masigla at naging masayahin mula ng makasama si Elena.", madamdaming pahayag ng Senyor.

"Tama ka Senyor, natutuwa ako kapag nakikita ko ang masayang mukha ng mag ama kapag kasama si Elena.", pagsang ayon ni Mameng.

"Bagay na bagay ang dalawa. Sana ay si Elena na ang maging bagong Senyora ng Hacienda Hermosa.", hiling ng Senyor. Nakatingin pa rin ang Senyor kay Gavin habang pinagtutulungang sabuyan ng tubig ni Elena at Letlet. Natatawa rin siya sa itsura ng anak.

"Mangyayari ang hiling mo Senyor. Tingin ko ay parehon may espesyal na pagtingin si Gavin at Elena para sa isa't isa.", positibong sagot ni Mameng. Ito man ay natatawa sa panonood sa tatlong naghaharutan na parang isang masayang mag anak.

Nang humapon na ay nag paalam na ang Senyor na mauunang umuwi. Hindi na kaya ng katawan nya ang sobrang lamig. Umuwi na ito sakay ng owner.

Gaya ng plano ni Elena ay gumawa si Gavin ng bonfire ilang hakbang mula sa kubo. Naglagay din siya ng makapal na sapin sa damo na mauupuan nilang apat. Nang lumabas si Mameng, Letlet at Elena mula sa kubo ay dala na ng mga ito ang iihawin nila para sa hapunan. Dala naman ni Letlet ang gitara ng dalaga.

Habang hinihintay maluto ang hapunan ay nagkantahan sila habang tumutugtog ng gitara si Elena.

Tawa ng tawa si Letlet ng si Mameng na ang kumakanta. Para kasi itong contestant sa singing contest. Humawak pa ito ng isang pirasong kahoy at ginawang mike.

Pagkatapos ay si Gavin naman ang pilit na pinakanta ni Letlet. Mas malakas ang naging tawanan ng kumanta ito.

Kahit panay ang pagpiyok ay ayaw pa rin nito tumigil sa pagkanta. Tinatanggal pa ang kamay ni Letlet na nakatakip sa magkabilang tenga.

Pagkatapos kumanta ay nag bow pa ito at nakuha pang magsabi ng "thank you… thank you" kaya lalong nagtawanan ang tatlong nagtiis makinig.

Matapos kumain at magkwentuhan ay nag aya na matulog si Letlet. Panay na ang hikab nito, ganun din si Mameng.

"Mauuna na kaming pumasok sa kubo ha Gavin, Estella. Nag aantok na kami ni Letlet. Maiwan na namin kayo diyan.", paalam ni Mameng.

Hindi na nagawa pang humalik ni Letlet kay Gavin at Elena dahil halos tulog na ito habang nakakandong kay Mameng. Binuhat ni Gavin si Letlet papasok ng kubo at inihiga sa nakahandang kutson na nasa loob ng silid.

Nang muling lumabas si Gavin at lumapit kay Elena ay may dala na itong makapal na kumot at ibinalabal sa nakaupong si Elena.

Ngumiti si Elena kay Gavin at nagpasalamat. Iniabot  naman ni Elena kay Gavin ang isang tasang kape na umuusok pa.

Habang nagkakape ay nag umpisa na silang magkwentuhan ng masasayang karanasan nila noong araw na mga bata pa sila. Napuno ng tawanan ang gabing yon.

Hidden Agenda: Paibigin kaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon