Chapter 24 (lusot)

1.4K 70 0
                                    

Nagulat si Elena ng may malalag sa tabi niya. Sapat para maalala niya na dapat na siyang matulog. Lulugo lugo ang dalaga ng pumasok sa kanyang silid. Isang malaking "problema" ang kailangan nyang masolusyan. Matapos magdasal ay pinilit na ni Elena matulog. Nagtagumpay naman ang dalaga, ilang sandali lang at bahagya na siyang naghihilik.

Tiktilaok........................

Kahit sandali pa lang nakakatulog ay nagising na si Elena ng marinig niya ang tilaok ng mga alaga niyang manok.

Naghihikab pa ang dalaga ng lumabas sa kanyang silid. Naisara ni Elena ang bibig ng makita niya mula sa bintana ng kanilang bahay si Brutus. Nakatayo ito sa ilalim ng puno ng sampalok at nanginginain ng damo.

Dumungaw si Elena, iniusli ang kalahati ng katawan sa bintana at iniikot ang paningin.

"Kung nandito si Brutus, tiyak na nandito si Gavin.", bulong ni Elena. Patuloy pa rin sa paglinga. Sa kaliwa, sa kanan. Umikot pa ang dalaga sa likuran ng kanilang bahay.

"Wala!.... panu nakarating dito si Brutus.... Mag isa lang?..", nagtatakang sabi niya.

Lumapit si Elena sa kabayo. Hinagod hagod ni Elena ang leeg at tagiliran nito.

"Anung ginagawa mo dito Brutus?. Wala ka bang kasama?", luminga pa uli sa paligid si Elena.

Nang hindi makita ang may ari kay Brutus ay hinila niya ang tali nito at isinabit sa katawan ng puno.

"Siguro na miss mo na ako no. Kamusta ka na ba? Matagal na kitang di napapasyalan sa kwadra. Nag aalaga kasi ako ng mga biik. At saka di mo na ako kailangan... kasama mo na lagi si Gavin. Buti ka pa di ka nakalimutan ng kaibigan mo..... samantalang ako hindi ako pinapansin. Mapansin man ako ay para lang asarin... nakakainis diba?.... ang sarap tadtarin at gawing pataba!!", inis na sabi ni Elena.

"Anong tadtarin at gawing pataba ang sinasabi mo?", singit na tanong ni Gavin. Nakalapit na ito ng di namamalayan ni Elena.

"Ang mga matutuyong dumi ng mga hayop, di ba Brutus.", kalamadong sagot ni Elena ng lingunin nya si Gavin.

"Ah…", tumango tango pa ito. Kadadating lang niya kaya di niya narinig ang mga naunang sinabi ni Elena.

"Gavin, Elena!.. pumarine na kayo at ng makapag almusal.", tawag ni Estella. Nauna nang umupo si Oca sa mahabang papag na nasa ilalim ng malagong puno ng mangga.

"Tara kain na daw tayo dun..", aya ni Elena kay Gavin.

"Pahamak kang Brutus ka ha… di mo sinabing nasa tabi na pala natin yang si Gavin. Buti na lang lusot!", tinapik tapik muna ni Elena si Brutus at saka lumakad na parang walang kalokohan na naisip.... papunta sa mga nag uumpisa ng magsikain.

Hidden Agenda: Paibigin kaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon