Chapter 22 (nakikiusap)

1.4K 80 0
                                    

"Ha!!!., nagbibiro po ba kayo?'', gulat na gulat na tanong ni Elena sa kaharap…

"Si Senyor naman eh… binibiro nyo naman ako. Kayo talaga...'', natatawang sabi pa ni Elena habang nagkakamot ng batok.

"Seryoso ako sa sinasabi ko Elena. Ikaw lang ang maaaring gumawa ng ganun. ", malungkot na sabi ni Senyor Fernando.

"Pero Senyor…", atubiling sabi ni Elena. Napatayo siya sa kinauupuan.

"Ayokong magaya si Letlet kay Gavin na lumaking walang ina. Ayoko ring magaya sa akin si Gavin na nanatiling nag iisa. Napakalungkot ng ganito. Matanda na ako, bago man lang ako mamatay ay gusto kong makitang maligaya ang anak ko at apo. May mapagmahal na asawa at mabuting ina. Isang babaeng mag aalaga at magmamahal kay Gavin at Letlet.... at sa Hacienda Hermosa.", madamdaming paliwanag ng Senyor.

"Naiintindihan ko po kayo Senyor, kaya lang po ay parang malabo po kasi. Wala naman pong namamagitan sa amin ni Gavin. Kapag nga po nagtatagpo ang landas namin ay lagi lang kami nag aaway.", nakakunot pa at nanunulis ang nguso ni Elena sa waring pagsusumbong nito sa Senyor.

"At saka hindi po ako magugustuhan ng anak nyo… pang super model po ang babae na tipo nya. Yung kagaya ng namatay nyang asawa. Tignan nyo naman po ako. simpleng probinsyana lang. Kahit alam po ng lahat ng taga rito na maganda ako at sexy din naman ....", paliwanag ni Elena.

Natawa ang Senyor, talagang maganda si Elena. Makinis ang morena nitong kutis. Maganda ang hubog ng balingkinitang katawan. Nasubaybayan ng Senyor ang paglaki ng dalaga. Mabait ito at kasundo ang lahat ng tauhan sa Hacienda dahil sa mahusay nitong pakikisama. Masayahin ito kaya nakasisiguro ang Senyor na kaya nitong mapasaya ang mag ama. Isa pa ay malapit na si Letlet sa dalaga. At higit sa lahat.... alam niyang dati ng may pagtingin ang dalaga sa kanyang anak. Katunayan ay wala itong tinanggap ni isa sa mga manliligaw. Maging ang anak ng mayamang namamakyaw sa Hacienda.

"Paibigin mo si Galvin, Elena.", utos pakiusap ng Senyor sa dalaga.

"Nakikiusap ako sayo… ikaw ang tamang babae para kay Gavin at Letlet. Kung magtatagumpay ka ay mapapanatag ang kalooban ko na mapupunta sa mabuting pangangalaga ang lahat ng maiiwanan ko pagdating ng araw."

Hidden Agenda: Paibigin kaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon