Chapter 35 (hubad)

1.5K 80 1
                                    

Mula ng mangyari ang muntik ng may mangyari kay Gavin at Elena ay para na rin silang may unawaan kung kumilos. Napansin narin ng mga tauhan ng Hacienda ang maganda at matamis na samahan ng dalawa. Masaya na silang makitang nagkakamabutihan si Gavin at Elena, lalo na si Senyor Fernando.

Isang araw ay may dumating na panauhin sa Hacienda Hermosa.

Isang asul na van na may lulang apat na katao. Si Irish at ang tatlong pinsan ni Gavin na sila Luis, Robbie at Jerome.

Naisip ng tatlong pinsan na dalawin si Gavin, Letlet at Senyor Fernando. Isang linggo ang hininging leave ng mga ito sa kanya kanyang trabaho para makapagbakasyon sa Hacienda Hermosa.

Nang malaman ni Irish na pupunta ang magpipinsan kay Gavin ay nangulit na ito na sasama kaya wala ng nagawa ang tatlo.

"Napakasarap talagang langhapin ang hangin sa probinsya. Sariwa at mabango.'', sabi ni Jerome ang pinaka bata sa magpipinsan kaedad ito ni Elena.

"Napakaganda ng Hacienda ngayon mga insan. Tignan mo sa gawi dun..'', turo ni Luis. Kaedad ito ni Gavin. Ang lalaking allergic sa kasal.

"Hanep!, madami na pala ang mga kabayo ni Tito Fernando!'', sabi ni Robbie. Ang pinaka playboy sa tatlo.

"Come on, guys... I'm so tired na. Where's Gavin ba?'', maarteng sabi ni Irish. Ex ni Gavin bago pa nakilala at napangasawa  si Peachy.

"Maligayang pagdating mga hijo!…'', masayang salubong ng Senyor. Bahagya pa itong nagulat ng makitang may babae palang kasama ang mga pamangkin.

Humalik sa Senyor ang tatlong pamangkin.

"Siya si Irish tito, taga maynila din. Kaibigan namin at ni Gavin.'', pakilala ni Luis kay Irish.

Agad namang lumapit ang babae sa Senyor at humalik din. Pagkatapos ay maarteng itinanong kung nasaan si Gavin. Matapos sabihin ng Senyor na pauwi na si Gavin ay kumekembot na itong naglakad kasunod ng kanyang tatlong pamangkin papasok ng bahay.

Nailing ang Senyor sa nakitang kasuotan ng panauhin. Halos lumabas na ang puwit nito sa sobrang igsi ng suot na short. Ang pang itaas naman ay kakapiraso din kaya nakahantad din ang punong dibdib na gumagalaw sa twing gagalaw ang babae.

"Kaya napakaraming napapabalita na kaso ng rape sa maynila. Aba ay halos hubad na ang babaeng ito!'', naibulong ng Senyor bago tuluyang sumunod papasok sa loob ng kanyang bahay.

Hidden Agenda: Paibigin kaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon