Matagal ng nakahiga ay di pa rin makatulog si Elena. Malinaw na malinaw pa rin sa kanyang isip ang pinag usapan nila ng Senyor kanina. Hindi na niya ikinwento sa mga magulang ang tunay na dahilan ng pagpunta nito sa kanilang bahay.
"Paano ang gagawin ko?. Saan ako magsisimula?.", namomroblemang tumayo si Elena at dumungaw sa bintana.
"Gavin, magawa mo kaya akong mahalin?...", bulong ni Elena................
Flashback.....
''Ang tagal tagal naman ni Gavin. Sabi niya isasama niya ako mamasyal sa Hacienda..'', bulong ni Elena habang nanunulis ang nguso nito.
tigidig... tigidig... ho!....
Ang lapad ng ngiti ni Elena ng makita si Gavin na paparating. Nakasakay ito sa likod ni Brutus.
"Bakit ang tagal mo?.", tanong sa kanya ni Elena. Habang hawak na ni Gavin ang bewang at itinulak na si Elena pasakay kay Brutus.
Nang makasakay na ang dalagita ay sumakay narin ito. Nasa harapan si Elena habang nasa likuran naman niya si Gavin. Ang mga braso ng binata ang pinaka harang para di mahulog ang angkas niya.
"Panu kasi itong boyfriend mo, tinoyo. O Brutus ipapasyal na natin ang girlfriend mo ha..... hiyah....", sabi ni Gavin. Tumakbo na si Brutus.
Nang madaanan ang puno ng bayabas ay pinahinto ni Elena ang kabayo kay Gavin.
"Ang dami ng bunga o… ang lalaki… dali Gavin!", excited na sabi ni Elena.
Nagmamadaling bumaba si Gavin at inalalayan si Elena. Nagmamadali itong pumanhik sa puno.
"Ano ka ba Elena!... para kang may kaagawan. Magdahan dahan ka nga!", nakatingalang sigaw ni Gavin.
"O, saluhin mo!.", sigaw ni Elena at sunud-sunod na inihagis ang hawak niya.
Nagahol naman si Gavin sa pagsalo. Tatawa tawa si Elena ng makababa.
"Pasermon sermon ka pa eh alam ko namang gusto mo rin ng bayabas.", kantyaw ni Elena kay Gavin.
Matapos ikaskas sa suot na tshirt ay isusubo na sana ni Elena ang bayabas ng pigilan sya ni Gavin…
"Nasaan ang asin?", tanong nito.
"Ay!, oo nga pala.", sabi ni Elena habang nakasuot ang dalawang daliri sa bulsa ng suot na pantalon.
"Dyaran… eto na…", nakuha na ni Elena ang asin. Nag umpisa na silang lantakan ang bayabas ng magsalita si Gavin.
"Dalaga ka na ngayon Elena. Hindi maganda sa isang dalaga ang nagkikilos lalake. Dapat ay matuto ka ng ingatan ang iyong sarili.", sabi ni Gavin habang kumakain pa rin.
Kinilig ng lihim si Elena pagkarinig sa sinabi ni Gavin..
''Dalaga!...dalaga na ako'', bulong niya.
BINABASA MO ANG
Hidden Agenda: Paibigin ka
RomanceNaisipan ni Gavin mamasyal. Sinakyan niya ang paboritong kabayong si Brutus, at saka pinitik sa puwitan. "Ya!" Kumaripas na si Brutus ugang libutin ang malawak na lupain ng Hacienda Hermosa. Nang makaramdam ng pagod, pinahinto niya ito at saka bum...