Chapter 19 (magsimula ka uli)

1.4K 81 2
                                    

Nang idilat ni Gavin ang mga mata ay nakita niya ang ama na nakaupo sa may gilid ng kama niyang hinihigan.

"Papa..", tawag ni Gavin. Inangat niya ang sarili paupo at isinandal ang likod sa unan. Napangiwi pa siya ng maramdaman kumirot ang kaliwa niyang kamay. Nakalimutan niyang naka dextrose nga pala siya.

"Kamusta na ang pakiramdam mo hijo?.", nag aalang tanong ni Senyor sa anak.

"Maigi igi na Papa.", sagot ni Gavin. Hindi siya makatingin ng tuwid sa ama.

"May gusto ka bang kainin?..", tanong uli ng Senyor.

Hindi na nakasagot si Gavin sa tanong ng ama dahil pagkaraan ng ilang mahinang pagkatok ay pumasok na ang doktor at dalawang nurse.

Lumabas na ang resulta ng mga tests na ginawa kay Gavin.

May tama ang atay ng batang Senyor!

Bagamat maaari pang makuha sa pag inom ng gamot at pagkain ng mga masustansiya ay binalaan siya ng doktor. Kung ipagpapatuloy niya ang labis na pag inom ng alak ay maaaring magkabukol ang kanyang atay na magiging sanhi ng kanyang kamatayan.

Marami pang sinabi ang doktor na di naman niya naintindihan. Pero isa ang napakalinaw sa sinabi nito.... dapat na niyang itigil ang pag inom ng alak. Alak na tanging kasama niya sa gabi gabi. Alak na nagpapatulog sa kanya ng mahimbing.

Ilang minuto ng nakakalabas ang doktor at dalawang nurse ng marinig ni Gavin nagsalita ang kanyang ama. Walang imik na nakatingin lamang si Gavin sa labas ng bintana.

"Hindi ko sinasabing kalimutan mo na ang nakaraan. Alam kong hindi yun mangyayari, sapagkat ang nakaraan ay bahagi ng ngayon at ng bukas. Huwag mong parusahan ang iyong sarili. Wala kang kasalanan. At lalong walang kasalanan ang iyong anak.

Hanggang kelan mo sasayangin ang pagkakataon na maging maligaya. Matanda na ako, ilang panahon na lamang at ipipikit ko na ang aking mga mata. Paano ako matatahimik sa aking pupuntahan kasama ng iyong Mama kung ang nag iisa naming anak ay hindi maaaring sandalan ng aming nag iisang apo.", gumagaralgal ang tinig na sabi ng Senyor.

"Huwag kang magsalita ng ganyan Papa. Tama ka, wala akong kasalanan. Nang mahuli ko sila ng lalaking yun ay nagpaputok ako ng baril. Subalit di ko sila nagawang patamaan. Nang umalis siya kasama ng kalaguyo niya hinayaan ko na siya.'', yumugyog ang balikat ni Gavin.

"Nang patayin silang dalawa ng kapatid ng tunay na asawa ni Melvin ay nais kong magpasalamat, patawarin ako ng Diyos sa naisip ko. Subalit pinagbayaran lamang nila ang ginawa nilang kawalangyaan. Hindi nabahiran ng dugo ang iyong mga kamay.", sabi ng Senyor.

Magsimula ka uli anak. Nandito ako , si Letlet , at ang lahat ng tauhan ng Hacienda. Nagyakap ang bata at matandang Senyor.

Hidden Agenda: Paibigin kaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon