Chapter 31 (toyo)

1.4K 78 2
                                    

Masaya ang mga sumunod na araw. Madalas ay magkasama si Elena at Gavin sa pagpunta sa bukid, gulayan, manggahan at sa kwadra.

"Ano kaya kung mag picnic tayo nila Letlet sa may sapa. Dun sa karugtong na Hacienda.", suhestyon ni Elena.

Nasamid si Gavin ng banggitin ni Elena ang sapa.

"Maganda dun, Gavin. Pwede maligo si Letlet. Saka tayo rin.", excited na sabi ni Elena.

"Kung may kubo lang sana dun ay pwedeng pwede tayong mag overnight. Mag gawa tayo ng bonfire tapos mag barbeque tayo, tapos magkantahan tayo. dadalin ko ang gitara ko para mas masaya.", parang nangangarap na sabi ni Elena. Nakatingala pa ito at nangingiti habang nagsasalita.

Nangingiti si Gavin sa itsura ni Elena. Napaka inosente ng aura nito.

Natatandaan pa niya noong araw na kapag nalulungkot siya dahil nami miss nya ang kanyang Mama ay gumagawa din ng isang magandang ilusyon si Elena. Dalawa silang mangangarap ng gising na kasama nila ang Senyora ng Hacienda. Pagkatapos ay mangingiti na siya. Pakiramdam nya ay totoong nakita at nakasama niya ang kanyang Mama.

Hindi pa rin nagbabago si Elena. Ito pa rin ang babaeng nakakapag patawa at nakakapag pagaan ng pakiramdam nya. Kaya siguro pati si Letlet ay malapit ang loob kay Elena. Dahil kapag kasama si Elena ay nararamdaman ng anak nya na may roon syang kasamang Mommy.

Mommy?..... naipilig ni Gavin ang ulo.

"Hayaan mo at paghahandaan ko ang sinasabi mo. Balak ko ring dalhin ang gamit ko sa pagpipinta kapag natuloy tayo.", sabi ni Gavin.

Namilog ang mga mata ni Elena ng marinig ang sinabing iyon ni Gavin.

"Bakit....?", nangingiting tanong ni Gavin. May hula na siya kung ano ang gusto nitong sabihin.

Noon pa kasi ay gustung gusto na ni Elena na ipinta siya ni Gavin.

"Ah e… wala lang.", sagot nito sabay talikod at nagdadabog na naglakad papunta sa mga tanim na talong at okra, bubulong bulong pa ito habang nagdidilig.

Natawa si Gavin ng makitang sa pagdidilig nito ibinaling ang pagkapahiya.

"Kawawang mga talong… lunod!", naiiling na bulong ni Gavin habang nakangiti.

"Parang isang Letlet din ang magiging asawa ko.", sabi ni Gavin.

Asawa?... napabilis ang paglinga sa kaliwat kanan ni Gavin. Nang makatiyak na walang nakarinig sa sinabi nya ay napabuga sya ng hangin.

Nang muling tignan ni Gavin ang kinatatayuan ni Elena ay wala na ito. Gumala ang mga mata niya. Nakita niyang nakatayo si Elena sa ilalim ng balag at tuwang tuwang pinagmamasdan ang mga nakalawit na bunga ng ampalaya. Napakagandang panoorin ni Elena.

Kinawayan siya ni Elena para lumapit. Nangiti si Gavin.. wala ng toyo ang dalaga. Habang naglalakad palapit kay Elena ay naisip niyang pag uwi mamaya ay kakausapin nya ang Senyor tungkol sa pagpapagawa ng isang maliit na kubo malapit sa sapa.

Hidden Agenda: Paibigin kaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon