Chapter 8 (scarecrow)

1.6K 95 3
                                    

Unang pinuntahan ni Gavin ang taniman ng palay…

Nakatigil ang kabayong si Brutus habang pinapanood ang mga palay na sumasayaw sa hampas ng hangin. Napangiti siya.

"Ilang linggo na lang at maaari ng anihin ang mga yan.", sabi ni Senyor.

Bahagyang nagulat si Gavin ng makita ang ama sa kanyang tabi.

Nakasakay ito sa paborito kabayong kulay puti. Nakalapit ito kay Gavin ng di namalayan ng lalake.

"Napakaganda ng palayan, Papa.", humahangang sabi ni Gavin.

Napangiti ang matandang Senyor. Nasisiyahan siyang makita ang paghanga ng anak sa kanilang lupain.

Pinagsawa ni Gavin ang mga mata sa nakikitang kagandahan ng paligid. Maya-maya pa ay inaya na niya ang ama umuwi. Mainit na sa balat ang sikat ng araw.

Nang bumalik ng malaking bahay ang mag amang senyor ay gising na pala si Letlet at naglalaro sa hardin. Nang makita sila ay nagmamadali itong lumapit at nagpabuhat sa Senyor. Tuwang tuwang kinarga ng Senyor ang apo. Kahit may kabigatan ang apo ay balewala sa kanya. Kahit kahapon lang sila nagkasama maglolo ay malapit na malapit na sa kanya ang apo. Kung nagising lang ng maaga ang apo ay tyak na hahabol ito sa kanya.

"Senyor, nakahanda na po ang agahan.", sabi ni Mameng. Kinukuha sana ni Mameng si Letlet pero tumanggi ang Senyor. Nangingiti naman si Gavin sa itsura ng maglolo.

"Baka umatake ang rayuma mo, Papa. Napakabigat niyang si Letlet.", paalala ni Gavin sa ama.

"Pagod ka na, lolo?", malambing na tanong ni Letlet sa abuelo.

Ngumiti lang ang Senyor sa cute na apo. At napatawa ng malakas ng pupugin siya nito ng halik sa mukha. Kaya kahit nabibigatan na ay di niya ito ibinaba hanggang sa makapasok at makarating sa hapag kainan.

Masayang nagku kwentuhan ang mag lolo habang kumakain. Hindi nawawala ang pagkakangiti ng Senyor. Pati si Mameng na nakatayo sa gilid ng pintuan ay natatawa din sa kwentuhan ng mag lolo. Mahabang panahon niyang nabalewala ang ama.

Nakadama ng guilt si Gavin para sa ama, sa nakikita niyang kaligayahan nito kasama ng anak niyang si Letlet. Sana ay noon pa niya naibigay sa napakabait niyang ama ang kaligayahan na hindi matutumbasan ng mga materyal na bagay na meron siya. Hindi pa huli ang lahat. Hindi na niya hahayaang mag isa ang ama. Hindi na niya,  iiwan ang Senyor. Siya at si Letlet...

Nasa ganung pag mumuni muni si Gavin ng magsalita si Mameng.

"Senyor nandyan po si Elena sa labas, pababalikin ko na lang po ba mamaya?", tanong nito.

"Papasukin mo dito Mameng.", utos ng Senyor.

Agad namang tumalima ang inutusan. Ilang saglit lang at iniluwa na ng pintuan si Elena.

"Magandang umaga po Senyor. ", bati ni Elena.

"Kailangan po kasi na mapirmahan na ninyo ito para mai close na natin ang deal sa palay.", sabi nito sabay pakita sa ilang papeles.

Natatawa si Gavin sa itsura nito, patung patong ang suot nitong damit. Mula pang itaas hanggang sa pang ibaba. Nakabalot din ang buong ulo nito at kapirasong mukha lang ang nakikita. May suot itong sumbrerong nakalaglag sa likod. Kung susumahin ay kamuka nito ang mga scarecrow na nakatayo sa gitna ng bukid.

"Hi!... you look like my doll.", malambing na singit ni Letlet sa usapan.

"Maganda ba ang doll mo?", tanong ni Elena sa nakangiting bata.

"Opo!'', at tumakbo ito. Pagbalik ay may dala na itong rugdoll na... scarecrow!!....

Ang lakas ng tawa ni Gavin.......


Hidden Agenda: Paibigin kaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon