Chapter 39 (inggit)

1.3K 76 1
                                    

"Dito ka na kay Princess Elena, at ikaw Jerome sa owner ka na sumakay.", maotoridad na sabi ni Gavin. Malungkot na sumunod si Jerome sa sinabi ni Gavin. Ang gusto sana ng binata ay dalawa sila ni Elena na sumakay sa kabayo papunta ng sapa.

Ang akala ni Elena ay sa owner din sasakay si Irish, kaya ng hawakan ni Gavin ang bewang nito upang makasampa kay Brutus ay nadismaya sya. Lalo na ng ngitian siya ng babae na parang nang iinggit. Nang tumakbo na ang owner at si Brutus ay pinatakbo na rin nya si Princess habang bulong ng bulong.

Nakarating na ang mga ito sa sapa. Kanya kanyang takbuhan ang magpi pinsan sa paglapit sa tubig.

"Napakaganda ng lugar na to insan!", humahangang sabi ni Luis.

"Perfect for honeymoon, babe.", malanding bulong ni Irish kay Gavin, habang ang magkabilang dibdib ay ikinikis sa braso ng lalaki. Patay malisyang umiwas si Gavin sa panunuksong ginagawa ng babae. Napasimangot si Irish ng lumakad si Gavin at iwanan sya.

Napahagikgik si Elena sa nakita, nang balingan sya ni Irish ng masamang tingin ay nagkunwari syang bisi sa pag aayos ng mga pagkain.

"Isinama kita dito hindi para magsilbi, Elena.", sabi ni Gavin. Nakalapit ang lalaki kay Elena ng di namalayan ng dalaga dahil sa ginagawang paghahanda ng pananghalian nilang lahat.

Bahagya pang nagulat ang dalaga ng biglang magsalita si Gavin sa likuran nya.

"Okay lang ito Gavin, mga bisita sila ng Hacienda at mga kamag anak mo pa. Di ba, sila ang nakasama mo sa maynila?.. Inalagaan at inasikaso ka nila nuong nandun ka. Kaya ngayon na nandito sila at nagbabakasyon ay  aasikasuhin ko silang mabuti bilang pasasalamat.", nakangiting sabi ni Elena.

Napangiti si Elena ng iabot ni Gavin sa kanya ang hawak nitong baso na may lamang juice.

"Halika na Gavin maligo na tayo..", aya ni Robbie. Naka swimming trunk ito at bakat ang harapan. Natawa ang lalake ng makitang umiwas ng tingin si Elena at bahagyang namula ang pisngi.

"Halika na Elena sabay ka na maligo.", aya ni Jerome. Naka short ito kaya di nailang ang dalaga.

"Sino ang mag hahanda ng pagkain natin pag isinama nyo si Elena maligo?", mataray na sabi ni Irish.

Magsasalita sana si Gavin pero sumenyas si Elena sa kanya kaya, tumahimik na lang ang byudo.

"Mamaya pa naman tayo kakain, saka Irish may dalawang kamay ka para kumuha ng makakain mo.", sagot ni Jerome.

"Gusto ata nitong si Irish magpasubo kay Elena.", kantyaw ni Robbie.

Nagkatawanan ang magpipinsan. Nagmarcha naman palayo si Irish dahil sa inis. Nakasuot ito ng bikini na halos nakaluwa na lahat.

"Pagpasensyahan mo na yang si Irish ha Elena. May ganun yan e.", sabi ni Luis habang ang hintuturo ay isinulat ng hugis pabilog sa gilid ng tenga. Naka short din ito.

Natakpan ni Elena ang bibig sa pagtawa. Maya maya ay humarap si Robbie kay Elena. Muling inilihis ni Elena ang muka.

"Nagpalit na ako ng panligo Elena. Tignan mo.", sabi ni Robbie. Naka short na nga ito gaya ni Jerome at Luis.

Dahan dahang ihinarap ni Elena ang mukha. Pero nakapikit. Pinipigil naman ng magpipinsan ang matawa sa ginagawa nitong dahan dahan na pagdilat ng isang mata. Nagtawanan na ng malakas sila Robbie, Luis, Jerome at Gavin ng idilat na rin ni Elena ang kabilang mata.

"I like you Elena, masaya kang kasama.", sabi ni Robbie.

Nagkatawanan uli sila ng gayahin pa ni Robbie ang mata ni Elena kanina.

Gumaan ang pakiramdam ni Elena sa mga pinsan ni Gavin. Hindi naman pala mahirap pakisamahan ang mga ito. Nakangiti pa si Elena habang tinatanaw ang magpi pinsan na sabay sabay ng naglakad papuntang sapa.

Habang si Irish naman ay nag ngingit sa inis at inggit.

Hidden Agenda: Paibigin kaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon