Chapter 36 (miss na miss)

1.4K 71 1
                                    

Natapos na kumain at magpahinga ang mga bagong dating ay wala pa ang Gavin na hinihintay nila kaya pinasamahan na ng Senyor ang mga ito sa kinaroronan ni Gavin.

"Insan!… bising bisi ka ah.", nakangiting bati ni Luis. Katabi nito ang mga nakangiti ring Jerome at Robbie.

Nang makita ang mga pinsan ay natatawang umakap si Gavin sa mga ito.

"Kanina pa ba kayo?. Pasensya na kung di ko na kayo nasalubong. Di ko maiwanan itong isang ito at napakaselan manganak.", paliwanag ni Gavin na nakatingin sa imported na kabayong nagle labor.

"Okay lang insan, syanga pala may pasalubong kami sayo.", natatawang sabi ni Robbie habang ang mga mata ay nakaabang kung paano manganak ang isang kabayo.

"Ano?", nakangiting tanong ni Gavin na sa kabayo pa rin nakatingin.

"Hindi ano, kundi sino?", biro ni Luis. Gaya ni Robbie at Jerome ay sa kabayong nagle labor din nakatingin.

Napaunat ng tayo Gavin at lumingon...

"Hi, baby!…'', umeembay pa ang balakang na lumapit si Irish at dinukwang ng halik ang labi ni Gavin.

Mabilis na inalis ni Gavin ang braso ng babae na nakapulupot sa batok nya. Napatingin siya sa pintuan ng kwadra. Maigi na lang at di pa nakakabalik si Elena kundi ay tyak na makikita nya ang ginawa ni Irish.

Hindi pa rin napapa anak ang kabayo, siguro ay isang dahilan ang madaming tao sa paligid nito. Nag aya na si Gavin na lumabas, nakakapit sa braso nya ang kumekendeng kendeng na babae. Hirap na hirap ito sa paglakad.

"Wala ka sa rampa Irish. Dapat ay rubber shoes lang ang sinuot mo. Kami ang nahihirapan tignan ka. Baka mabalian ka pa dyan sa mataas na takong na suot mo.'', natatawang sabi ni Jerome.

Nagtawanan ang magpi pinsan. Lalo na ng umirap si Irish at sa OA na kakakembot ay natapilok. Kaya lalo itong kumapit sa braso ni Gavin.

Natatawa pa rin ang apat na lalaki habang binabaybay ang daan pabalik sa malaking bahay.

Mahabang kwentuhan ang nangyari sa pagkikita ng magpi pinsan. Dahil hindi na umiinom ng alak si Gavin ay ang tatlong pinsan na lang at si Irish ang nag palitan ng pagsalin sa baso.

Nang makaubos ng isang bote ay nagpahinga na ang mga ito maliban kay Irish. Panay naman ang irap ni Letlet sa nakikitang pagdikit dikit ng babae sa Daddy nya. Mula pa kanina ay nakabantay na ito sa dalawa.

Kahit madami ang pasalubong na ibinigay ni Irish ay nakasimangot pa rin ito sa babaeng parang may dugo ang nguso. Sinaway na ni Senyor ang apo, sumunod lang ito sandali pero nanatili itong nasa malapit lang at tinitignan ang bisita ng Daddy nya.

Nalaman ni Elena na dumating ang mga pinsan ni Gavin mula sa maynila kaya naunawaan nya kung bakit di na ito nakabalik sa kwadra. Pero di maialis ng dalaga ang makaramdam ng selos ng may makapagsabi na may magandang babae pa na kasama ang mga bagong dating.

Pinilit na ni Elena matulog. Bukas ay makikita naman nya si Gavin. Nakaramdan ng kalungkutan ang dalaga, na miss nya ang byudo. Miss na miss.

Hidden Agenda: Paibigin kaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon