Chapter 7 (girlfriend)

1.5K 85 4
                                    

Bahagya pang nagulat si Elena pagkakita sa ama at sa kasama nito.

Lumapit si Gavin kay Brutus at hinimas himas ang kabayo.

"Ang pogi mo Brutus ah, mukang mahusay mag alaga ang girlfriend mo.", nakangiti nitong sabi sabay tingin kay Elena.

Naalala ni Gavin na sa twing mamamasyal sila ni Brutus ay umiiyak si Elena para maisama nya. Wala siyang magawa kundi iangkas ito. Hindi naman pumapalag ang kabayo. Hindi tumitinag sa pagkakatayo si Brutus. Tatakbo lang ito kapag nakasakay na si Elena. Mula noon ay tinawag na niya si Elena bilang girlfriend ni Brutus.

"Kundisyon yang si Brutus mo, Gavin. Araw araw eh ini ensayo yan ni Elena. Special treatment.", pagbibida ni Oca.

Tumingin siya sa gawi ni Elena. Nang makita siyang nakatingin ay umirap ito sa kanya at binirahan ng lakad palabas ng kwadra.

"Tignan mo reng batang re, saan ka pupunta Elena?", tanong ni Oca.

"Sa manggahan po!.", sagot nito. Pasigaw na dahil mabilis itong nakarating sa pintuan. Walang lingun lingon.

"O diba, nakita mo yun?.. yang si Elena ang dahilan kaya ako tumatanda!", naiiling na sabi ni Oca.

Natawa na lang si Gavin. Nakasakay na siya sa likuran ni Brutus at pinatakbo niya ito ng mabilis. Paikot ikot sa hugis oval na praktisan ng mga kabayo nilang alaga. Maya maya ay naisipan ni Gavin ikutin ang Hacienda.. Tamang tama dahil sikat na ang araw at may mga tauhan na sa paligid.

"Tayo na Brutus… hiyah!..", at magkasama ng lumayo ang dalawa.

Hidden Agenda: Paibigin kaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon