Chapter 18 (harurot)

1.4K 77 0
                                    

Sa lumipas na magdamag ay matiim na pinag isipan ni Senyor Fernando kung paano kakausapin ang anak.

Kilala niya ang ugali nito. Hindi ito nagbubukas ng sarili sa iba, kahit pa sa kanya. Kung sana ay nabubuhay  pa ang kanyang asawang si Leonora.

Sa Senyora ng Hacienda Hermosa higit na malapit si Gavin. Subalit namatay ang Senyora nung walong taong gulang pa lamang siya. Mula nun ay di na muling nag asawa ang Senyor at nilibang na lamang ang sarili sa pagpapalago ng kanilang nasasakupang lupain at pagpapalaki sa nag iisang alaala ng yumaong maybahay.

Minamasdan lamang ng Senyor ang ginagawang pakikipag usap ng anak sa ilang tauhan. Kahit nalasing kagabi ay maaga parin itong gumising at nag ikot sa paligid. Humigop lamang ito ng kape at nagpaalam na sa kanya.

Natanaw pa ng Senyor ng maglakad na ito palayo kasama ng mga tauhan.

Nakahanda na ang pananghalian ay hindi pa bumabalik si Gavin.

"Marahil ay sa bukid na naman inabutan ng pananghalian ang Daddy mo apo.", sabi ng Senyor kay Letlet. Habang nilalagyan ang pinggan nito ng kanin. Kumain na ang mag lolo kahit wala si Gavin.

"Ahh… ang sakit!", daing ni Gavin habang hawak hawak ang tiyan. Nasa loob siya ng kwadra. Bagong panganak ang isa sa imported nilang kabayo kaya di niya maiwanan ang beterinaryo na nag aasikaso sa pony.

''Ahh..... napakasakit!'', malakas na ang pagdaing ni Gavin. Naalarma ang mga kasama niya. Butil butil ang pawis sa noo ng batang Senyor na kanilang pinaglilingkuran. Namimilipit ito sa sakit.

Nagmamadaling isinakay ni Narding si Gavin sa owner. At inihatid sa malaking bahay.

Maya maya pa ay humaharurot na ang itim na kotse palabas ng Hacienda Hermosa...

Hidden Agenda: Paibigin kaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon