Tahimik na pinagmamasdan ni Gavin ang pagsayaw ng mga dahon sa malagong puno ng mangga. Tanaw niya ito mula sa veranda.
Bumalik sa alaala niya nuong nililigawan pa lamang niya si Peachy. Sinagot siya nito sa ilalim ng punong akasya na nasa loob ng bakuran ng kanilang unibersidad. Siya ang pinaka maligayang lalake ng mga oras na yon. Halos ibinigay na niya ang lahat ng ginusto ni Peachy. Minahal at ginawang sentro ng kanyang mga pangarap. Subalit……nagawa pa rin nito ang pagtaksilan siya.
Isang mapait na ngiti kasunod ng malalim na buntunghininga ang pinawalan ni Gavin. Mag iisang taon na mula ng mangyari ang bangungot na yon sa kanyang buhay.
Nangangalahati na ang laman ng bote ng alak ay hindi pa rin nakakaramdam ng antok ang batang senyor. Nabuhay ang galit sa dibdib niya para sa asawa at sa lalaking yumurak sa kanyang pagkalalake. Nagtatagis ang mga bagang ni Gavin. Hawak ang bote ay humakbang siya, muntik na siyang matumba!
"Lashing na ba hako?… hik…", tanong niya sa sarili. Natawa pa siya sa ginawang pag balanse sa sarili.
Muli niyang sinubukan ang humakbang...………
Blag!.... bumagsak si Gavin.
Ha!ha!ha!…… whala kah tahlagang kwentah!.. hik!.. kaya kah tinohrotot ng ashawa moh!.. hik!...
Hu!hu!hu!....ha!ha!ha!....Bahkit?... bahkit?...
Sa nakikitang nangyayari sa anak ay nakaramdam si Senyor Fernando ng paninikip ng dibdib.
"Narding!, Berto!", tawa ng Senyor sa mga kasambahay.
Nagmamadaling naglapitan ang mga tinawag. Kasunod si Mameng na humangos ng lapit sa Senyor at inalalayan itong maupo.
"Buhatin nyo ang Senyor Gavin nyo at maingat na ipasok siya sa kanyang silid.", utos niya sa mga tauhan.
Agad na tumali ang dalawang tauhan sa ipinag utos. Sinundan na lamang ng matandang Senyor ng tingin ang lasing na lasing na anak.
Isinandal ng Senyor ang ulo sa upuan matapos inumin ang gamot na ibinigay ni Mameng.
"Si Letlet?", tanong ng Senyor kay Mameng na nananatiling nakatayo at nakamasid sa among nakapikit.
"Mahimbing ng natutulog ang iyong apo Senyor.", sagot ni Mameng.
"Salamat Mameng..", sabi ng Senyor. Tumayo na ito at sinundan na ang anak. Nakasalubong pa niya ang dalawang tauhan na palabas ng silid ni Gavin. Nagpasalamat ang Senyor sa kanila. Magalang naman nagpaalam ang mga ito bago tuluyang umalis.
"Gavin anak, palayain mo na ang iyong sarili. Hindi lamang para sayo kundi para sa iyong anak na si Lelet.", bulong ng Senyor sa anak.
BINABASA MO ANG
Hidden Agenda: Paibigin ka
RomanceNaisipan ni Gavin mamasyal. Sinakyan niya ang paboritong kabayong si Brutus, at saka pinitik sa puwitan. "Ya!" Kumaripas na si Brutus ugang libutin ang malawak na lupain ng Hacienda Hermosa. Nang makaramdam ng pagod, pinahinto niya ito at saka bum...