Isang hapon ay naisipan ni Elena na sakyan ang isa sa mga kabayong ineensayo ng kanyang ama. Maamo ito gaya ni Brutus.
Excited na nag ikot si Elena sa Hacienda. Nalibang siya sa pangangabayo dahil napuntahan nya uli ang mga lugar na kung lalakarin lang ay di niya kayang marating. Kaya naman di niya namalayan ang oras.
Kalat na ang dilim ay wala pa sa kalahati ang natatakbo ng kabayo na sinasakyan ni Elena para makauwi. Kahit kabisado ang buong Hacienda ay nakaramdam ng takot ang dalaga.
Alang alala naman si Oca at Estella sa anak. Madilim na ay di pa rin nakakabalik si Elena.
Nagpatulong na ang mag asawa sa iba pang mga kasamang tauhan ng Hacienda upang hanapin ang kanilang anak.
Nagmamadaling sumakay si Gavin sa kabayong si Brutus ng malamang nawawala si Elena. Dapat ay sasama rin si Senyor Fernando sa paghahanap pero di pumayag si Gavin. Malamig na ang hangin at walang mga bituin sa kalangitan tanda na maaaring bumuhos ang ulan.
"Dumito ka na lamang Papa, kami na lang ang maghahanap kay Elena. Makakasama sa iyo ang malamigan. Baka lumala ang sakit mo.", mahinahong pakiusap ni Gavin sa Senyor.
Nakita ni Gavin ang labis na pag aalala nito para sa dalaga. Maging si Letlet ay umiiyak na nagbilin sa kanya. Ang hanapin at ibalik ang kanyang tita Elena.
Kasama ng ilang tauhan na sakay ng mga kabayo ay hinanap na nila ang mga posibleng kinaroroonan ng dalaga.
May dala silang malalaking flashlight at nakasuot ng makakapal na jacket upang kung umulan ay di sila lamigin. Ang ilan ay may dalang mga itak, si Gavin naman ay may dalang baril.
Nagkita kita ang mga naghahanap, ang grupo ni Oca at ang grupo ni Gavin. Nag desisyon silang maghiwa hiwalay ng lugar na paghahanapan. May naka kwintas sa leeg nila. Isang silbato, na napag usapan nilang hihipan upang maging hudyat na natagpuan na si Elena.
"Elena, nasaan ka?", nag aalang tanong ni Gavin.
"Tayo na brutus! Hahanapin natin ang girlfriend mo!", at pinatakbo na ni Gavin ang kabayo papunta sa madilim na bahagi ng Hacienda Hermosa.
BINABASA MO ANG
Hidden Agenda: Paibigin ka
RomanceNaisipan ni Gavin mamasyal. Sinakyan niya ang paboritong kabayong si Brutus, at saka pinitik sa puwitan. "Ya!" Kumaripas na si Brutus ugang libutin ang malawak na lupain ng Hacienda Hermosa. Nang makaramdam ng pagod, pinahinto niya ito at saka bum...