Chapter 45 (isang pamilya)

1.3K 86 0
                                    

Malapad ang pagkakangiti ni Senyor Fernando habang pinanonood ang nagmamadaling si Letlet. Nang malaman ng apo na pupuntahan nila si Elena para mapapayag na maging asawa ng Daddy niya ay nagtatatalon pa ito sa tuwa. Kanina pa nito gustong puntahan ang tita Elena niya na malapit na niyang maging Mommy.

Nakahanda na ang mga pagkain at mga regalo ng mag amang Senyor sa pamamanhikan ng lumabas si Gavin.

"Wow!. Daddy ang pogi pogi mo po. Kapag nakita ka ni Tita E.. ay Mommy Elena pala, papayag siya na pakasalan ka.", nakangiting sabi ni Letlet.

"Talaga?.. basta tulungan mo ako ha.", nakangiting sabi ni Gavin sa anak.

"Yes, Daddy. Akong bahala sayo. Pati si lolo tutulong saka si Yayay.", pagpapalakas ni Letlet sa loob ng ama.

Natawa naman ang Senyor at Mameng sa itsura ng mag ama. Ang limang taon na bata ang nagpapalakas ng loob sa isang trenta anyos na lalaki.

"Tayo na at baka mainip na sila balae sa paghihintay sa atin.", aya ng Senyor.

Sa bahay nila Elena.....

"Kung ganun ay ayos na ang ating usapan balae?", masayang tanong ni Senyor Fernando sa naiilang pa rin na si Oca.

Natawa ang Senyor.......

"Magsanay na tayo magtawagan ng balae, natupad na ang matagal nating pangarap. Ang maging isang tunay na pamilya tayo Oca, Estella.", nakangiti subalit nagluluhang mata ng Senyor.

"Oo, Fernando. Isang tunay na pamilya na tayo mula ngayon.", madamdamin ding wika ni Oca, maging si Estella ay naiyak din sa saya.

Pagkalipas ng ilang buwan.....

Isang napakaganda at madamdaming kasalan ang idinaos sa Hacienda Hermosa. Napakaraming tao ang dumating at sumaksi sa pag iisang dibdib ni Gavin at Elena. Mga kamag anak, kaibigan, mayaman at mahirap. Ang lahat ay naiiyak sa saya.

Nang sabihin ng pari na "you may now kiss the bride" ay umugong ang malakas na hiyawan at palakpakan.

Nangunguna na sa pag sigaw si Jerome at Luis. Si Irish naman ay masayang masaya para sa kaibigang si Elena.

Si Elena na may pinakamalaking bahagi sa naganap na pagbabago sa kanyang buhay.

"Babe, gusto mo ba ganyan din ang kasal natin?", malambing na tanong ni Robbie.

Napangiti si Irish sa lalaking nakayapos sa likuran niya.

"Babe, kahit simple lang. Basta ikaw ang katabi ko sa harap ng altar.", malambing na sagot niya sa binata.

Hidden Agenda: Paibigin kaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon