Chapter 34 (goodnight)

1.3K 79 2
                                    

Napansin ni Elena na parang giniginaw si Gavin kaya inilapit pa niya ang pagkakaupo sa tabi nito at isinukob sa makapal na kumot na nakabalabal sa kanya.

Nagkaroon ng pansamantalang  katahimikan ang kanina ay masayang kwentuhan ng dalawa. Nagpapakiramdaman lang sila.

Tinignan ni Gavin ang dalagang naka dikit ang braso sa braso niya.

Nakikita ni Elena sa sulok ng kanyang mata ang pagtingin ni Gavin sa kanya. Naramdaman niya ang mabilis na pagpintig ng kanyang puso.

"Elena…", mahinang tawag ni Gavin.

Ipinihit ni Elena ang muka paharap sa tumawag sa kanya. Nakita niyang titig na titig si Gavin sa kanya.

Nang humarap si Elena sa kanya ay nakita niyang bahagyang nakaawang ang mga labi nito. Hindi na nakatiis si Gavin.

Dahan dahan ang paglapit ng labi ni Gavin sa labi ni Elena. Nang lumapat ang labi ni Gavin at gumalaw galaw ay napapikit si Elena.

Lalo namang lumalim ang paghalik na ginagawa ni Gavin ng maramdaman niyang ginagaya ni Elena ang paggalaw ng labi nya. Iniyakap na ni Gavin ng tuluyan ang magkabilang braso sa katawan ni Elena. Matagal ang halik na namagitan sa kanila.

Bahagyang napapitlag si Elena ng maramdaman ang kamay ni Gavin na humaplos sa kanyang dibdib.

Makapal man ang soot na jacket ay naramdaman niya ang mga palad ng lalaki. Hinayaan lang ni Elena si Gavin sa ginagawa.

Naging pangahas na ang kamay ni Gavin. Humahaplos na ito sa likod at puwitan niya.

Maya maya ay ipinasok na ang kamay sa loob ng kanyang jacket. Mas naramdaman niya ang init na nagmumula sa palad nito ng pati sa loob ng tshirt niyang soot ay napasok na rin ng malikot nitong kamay.

Nagulat ang dalawa ng marinig nila ang boses ni Letlet. Otomatik na naghiwalay ang mga labi ng dalawa at marahang naitulak ni Elena palayo sa kanya ang katawan ni Gavin.

Pupungas pungas si Letlet ng lumapit sa dalawa.

"Tita Elena, nawawala si Mimi..", sumbong nito.

"Di mo ba matandaan kung saan mo siya nailagay?", malambing na tanong ni Elena.

Nang umiling si Letlet ay tumayo na si Elena. Nagpaalam na ito kay Gavin na papasok at tatabihan si Letlet sa pagtulog.

"Goodnight, Daddy.", inaantok na paalam nito sa ama pagkatapos humalik.

Natawa si Elena sa itsura ng mukha ni Gavin. Pinandidilatan kasi siya ng mata ng lalake na parang nagsasabing wag na niyang samahan si Letlet sa pagtulog.

Napakamot na lang ng ulo si Gavin ng mag goodnight na rin sa kanya si Elena at iwanan na siyang mag isa.

"Letleeeettt..…", pigil na sigaw ni Gavin.

Hidden Agenda: Paibigin kaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon